Hindi ko na mapigilang itanong ito: LEGAL BA
ANG DAYAAN noong 2016 vice-presidential election?
Katulad ko, PARAMI NA NG PARAMI ang
nakakapuna na KABI-KABILA NA ANG EBIDENSIYA at senyales ng dayaan na nadiskubre
at nabulgar na. Pero HANGGANG NGAYON, KAHIT ISA AY WALANG NABABALITANG KINASUHAN
na o sinuspinde o tinanggal sa trabaho.
WALA PA ring nababalitang aksiyon o
rekomendasyon hanggang ngayon si Bongbong Marcos protest supervising Justice
Alfredo Benjamin Caguioa sa mga
ebidensiya at senyales na mga ito. Tulad ng mga sumusunod:
Basang balota, balotang punit-punit o amoy kemikal,
PRE-SHADED NA MGA BALOTA sa pangalan ni Leni Robredo, mga balotang may paso,
mga ballot box na binuksan at NINAKAWAN ng mga dokumentong dapat ay nasa loob ng mga ito ayon sa batas,
pagpapadala ng mga RESULTA KUNO NG ELEKSIYON sa Ragay, Camarines Sur ISANG ARAW
BAGO ANG AKTWAL NA BOTOHAN, mga square sa tabi ng pangalan ni Robredo sa mga
balota na hindi malaman kung saan galling, outing sa Pansol ng isang tauhan ni Robredo at
ng 24 na tao ng Presidential Electoral Tribunal (PET) at HINDI AWTORISADONG
PAKIKIALAM ng Smartmatic sa script ng transparency server noong unang gabi ng
bilangan. Tulad ng alam na nating lahat, matapos ang PAKIKIALAM NA IYON ay
naglaho ang MAHIGIT ISANG MILYONG BOTONG LAMANG ni Bongbong kay Leni sa magdamag
lamang.
Mahaba pa ang listahan. Pero uulitin ko,
WALANG ANUMANG AKSIYON O REKOMENDASYON si Caguioa sa alinman sa mga ito para
malaman agad ang katotohanan. Itama ako ninuman agad-agad kung mali ako.
Nang magreklamo at humingi ng imbestigasyon si
Bongbong tungkol sa Pansol outing, sinabi ng kampo ni Robredo na naimbestigahan
at naaksiyunan na iyon ng PET bago pa siya nagreklamo. Pero hanggang ngayon, walang
maibigay sa kaniyang investigation report ang sinuman.
Nang ireklamo naman ni Bongbong ang mga
square, naiulat sa media na alam daw niya ito dahil napagusapan raw ito sa
isang briefing bago mageleksiyon. Nang sabihin ni Bongbong na hindi niya alam
ang briefing kuno at humingi siya ng minutes o record ng napagusapan at mga
dumalo, WALANG NAIBIGAY ANG KAHIT NA SINO SA KANIYA.
Higit sa lahat, huywag nating kaliumutan mga
kababayan na WALA pa ring nababalitang aksiyon o rekomendasyon si Caguioa laban
sa Smartmatic sa kabila ng NAGUUMAPAW na mga ebidensiya at senyales ng dayaan.
Kung hindi legal ang naging dayaan noong 2016
election, ano tawag dito? 30
tanggalin na yung mgahumahawak ng kaso na yan,para makapag-desisyon na sa mga usapin...DELAYING TACTICS na lang ang ginagawa ng mga iyan...
ReplyDelete