Sa mga supporters ni Bongbong Marcos: Sa
halip na sa Comelec kayo mag-weekly rally, sa Korte Suprema na. Para derecho
kay protest supervising Justice Alfredo Benjamin Caguioa.
Anumang may kinalaman sa protesta ni Bongbong
laban kay Leni Robredo ay kay Caguioa na manggagaling ang rekomendasyon para sa
aksiyon na gagawin ng Presidential Electoral Tribunal (PET). Wala na sa
Comelec.
Kaya’t dahil walang anumang rekomendasyon na
nababalita mula kay Caguioa sa mga pisikal na ebidensya at senyales ng dayaan,
si Caguioa ang DAPAT NATING KALAMPAGIN.
Siya ang dapat nating UGAIN, TANUNGIN at kung
ano-ano pa kung bakit WALANG AKSIYON sa mga reklamo ni Bongobng tungkol sa mga
ebidensiya at senyales ng dayaan.
Dapat na siyang magpaliwanag kung ANO PA ANG
NAGPAPATAGAL NG HUSTO sa recount. At kung bakit NEWS BLACKOUT pa rin, at WALANG
DAPAT MALAMAN ANG SAMBAYANAN sa mga nangyayari sa recount.
Bulag at bingi rin si Caguioa sa mga reklamo
at hinaing natin. Kaya dapat, MAKITA NA NIYA AT MADINIG NG HARAPAN na totoo ang
galit at determinasyon natin.
Sa mga BBM group founders at administrators,
magusap-usap kayo para sa isang MALAKIHANG MASS ACTION sa Korte Suprema kontra kay
Caguioa. Sa sitwasyon ngayon, siya ang mas dapat unahin.
Para MAGKAALAMAN NA!30
No comments:
Post a Comment