Tuesday, October 16, 2018

SWINDLERS GINAGAMIT ANG MGA MARCOS

Image result for images for bong and imee marcos
IMEE AND BONGBONG MARCOS

May BAGONG RAKET ang mga SWINDLER GAMIT ang pangalan ng mga Marcos.

Isang reader natin ang nagmessage na sa Panopdopan, Lamut, Ifugao province ay may mga nagre-recruit para sumali  sa isang organisasyong tinatawag nilang Mahjarlika. Solid Marcos daw ang naturang lugar.

Sinasabi ng mga nagre-recruit na organisasyon daw iyon ng Pamilya Marcos. Pero ito ang raket, mga kababayan: NANGHIHINGI NG P200 HANGGANG P300 na bayad ang mga nagre-recruit sa mga gustong sumali.

Tinawagan ko ang isa sa mga personal advier ni Bongbong Marcos. Agad niyang isinagot na HINDI NAGPAPABAYAD ang mga Marcos SAANMAN, KAILANMAN, SA SINUMANG GUSTONG SUMAPI sa mga grupo o organisasyon na sumusuporta sa kanila.

“Raket iyan. Ipahuli agad sa pulis o sinumang alagad ng batas o lokal na opisyal ang sinumang gagawa niyan, Libre an g pagsapi sa anumang organisasyon na sumusuporta sa mga Marcos,” ayon as adviser.

Ikalat natin ito, mga kababayan. Para walang mabiktima saanman sa Pilipinas o sa ibang bansa.
                                                     ***
Patuloy po sana ninyo akong suportahan para tuloy-tuloy kong maipost ang ating blog. Iclick lang po at bisitahin ang mga advertisement na nasa paligid nito. Salamat lagi sa patuloy na tiwala. 30


No comments:

Post a Comment