PANALO pa rin si Mocha Uson kahit na
nagresign siya bilang assistant secretary ng Presidential Communications
Operations Office (PCOO). At sa tanggapin
o hindi ng mga anti-Duterte, lalo na iyong mga kakandidato sa 2019 election,
mas MALAKING PROBLEMA SIYA NGAYON sa kanila kesa noon.
Pinatunayan ni Mocha na sa kabila ng mga
kamaliang nagawa niya, MAY DELICADEZA pa rin siya. Dahil sa napansin niyang nababatikos
at pinapahirapan na ng husto ang PCOO dahil sa kaniya, pinili na niyang
magresign para wala nang madamay pang iba. At para hindi siya masabihan na
KAPIT-TUKO sa puwesto, tulad ng iba.
Kaya mas lalo siyang hahangaan at
susuportahan ng mga fans at followers niya sa social media sa anumang ipahayag
o ibulgar niya. Lalo pa kung may ebidensiya siyang maipapakita. Estupido o
nangangarap ng gising ang sinumang magsasabi na dahil wala na si Mocha sa
gobyerno, hindi na siya papansinin ng kaniuyang mga tagahanga.
Lalo pa’t HANGGANG NGAYON AY WALA NAMANG
MAPATUNAYAN KAHIT ISA ang mga anti-Digong sa lahat ng mga inaakusa nila sa
Pangulo.
Dahil sa WALA na siyang kailangang sunding
patakaran ng gobyerno, lalo pa ng Malacanang, mas MAKAKA-ATAKE na ng MAS
MATINDI/MABANGIS si Mocha. Sa nakita na nating KAWALAN NG SUPORTA ng mga
anti-Digong –tulad ng mga NILALANGAW NILANG RALLY O PAULIT-ULIT NA PANAWAGAN NG
‘PEOPLE POWER’ NA WALA NAM,ANG PUMAPANSIN--- kailangan nila ng ebidensiyang singlinaw
ng Araw at singtibay ng adobe para pansinin man lamang sila ng mga follower ni
Mocha, at ng Sambayanan.
Good move, Mocha. Good move!
***
Guys, in case you see advertisements around our blog, please click on them. They’re advertisements by google ad sense and google supports our blog. Thanks, always, and God bless. 30
***
Guys, in case you see advertisements around our blog, please click on them. They’re advertisements by google ad sense and google supports our blog. Thanks, always, and God bless. 30
No comments:
Post a Comment