Tuesday, October 16, 2018

DESPERADONG ‘PA-POGI’ PARA PASIKATIN SI ROBREDO!


Image result for images for leni robredo
Heto ang isang maliwanag pa sa sikat ng araw na DESPERADONG GIMIK ng Social Weather Stations (SWS) para lamang magmukhang mahal ng taumbayan si Leni Robredo

Sa isang balita sa http://www.gmanetwork.com/news/news/nation/671457/leni-s-net-satisfaction-up-by-two-to-34-stays-at-good-sws/story/?just_in, sinabi ng SWS na tumaas ng 2 puntos ang net satisfaction rating ni Robredo, Mula 32, umangat na ito KUNOI  sa  34 para sa buwan ng September.

DESPERADONG ‘PA-POGI’ ito para sumikat nawa si Leni dahil WALA NAMANG NABABALITANG NAGAWA o accomplishment si Robredo para mapamahal o mas mapamahal siya sa taumbayan.

Isipin ninyo mga kababayan: May nabalitaan o nakita na ba kayong PISIKAL NA EBIDENSIYA NG KAHIT ISANG PROYEKTO ni Robredo na nakalutas o nakagaan man lamang sa mga kalbaryo ng sambayanan? Tulad ng mataas na presyo ng mga bilihin at produktong langis, kakulangan sa trabaho, krimen at iba pa?

PISIKAL NA EBIDENSIYA, HA, HINDI LANG SALITA NIya. Tulad ng paulit-ulit niyang sinasabi na libu-libong mahihirap na natulungan na ng kaniyang proyekto kontra kahirapan. Pero KAHIT 500 MAN LAMANG AY WALANG MAPANGALANAN o maipakita. Pati na kung paano umunlad ang mga ito dahil sa kaniya.

Ako, WALANG NABALITAAN O NAKITA SAANMAN…social o national media. Kung meron may ay welcome ang sinuamn na magpakita ng ebidensiya at mga detalye.

Kung WALANG MAIPAPAKITA ang  kahit na mga alagad ni Robredo, dapat nilang ipaliwanag at ng SWS  kung PAANONG NANGYARI NA dumami pa ang mga nasisiyahan sa kaniya.

Dahil lalong pinagmumukhang GAGO NG SWS ANG TAUMBAYAN… konting ngiti at banat lamang sa gobyern ni Leni, kahit walang basehan ay mapapamahal na siya lalo sa atin, ganun?

Kayo ang estupido kung sa akala ninyo ay MAPAPANIWALA NINYO ang taumbayan sa ganiyang KAGARAPAL NA SURVEY KUNO.  Lalo pa’t mas marami sa amin ang nakakaalam na 4x40 ay 160 lamang at hindi 1,600. 30




No comments:

Post a Comment