Thursday, March 21, 2019

MAAWA KA SA PAMILYA MO, CAGUIOA!


Image result for images for alfredo benjamin caguioa
Bongbong Marcos protest supervising Justice Alfredo Benjamin Caguioa, MAAWA KA SA PAMILYA MO!

Sa patuloy at ‘UNLI’ (unlimited) mong pananahimik sa resulta ng recount ng protesta ni Bongbong laban kay Leni Robredo, lalo mo lamang WINAWASAK ang sarili mo. Hindi lamang si Leni ang nasisira ang reputasyon, ang integridad.

MAS MALAKI ang nagiging punit ng reputasyon at integridad mo, Caguioa, kesa kay Leni. Dahil sa IYO DAPAT MAGSIMULA ANG KATOTOHANAN, bilang supervising justice ng protesta. Ang katotohanan at ang KATARUNGAN!

Alam na alam mo na pag pinagtagal mo lalo ang ganitong sitwasyon, lalo ding lalallim at lalawak ang galit at pagdududa o akusasyon sa iyo ng nakararami sa sambayanan na kakampi ka ni Leni.

At darating ang oras na iyang galit na iyan ay gagapang na rin sa pamilya mo.  ALAM MO IYAN, Your Honor.

Halos 1,000 araw na ang nakaraan mula nang maganap ang mga dayaan noong 2016 elections na nadiskubre na, at may PISIKAL NA EBIDENSIYA pa. Pero KAHIT ISA sa mga ito ay WALA KANG NABABALITANG AKSIYON O REKOMENDASYON hanggang ngayon.  At itama ako ninuman kung mali ako, WALA ka ring binibigay na justification kung bakit.

NEWS BLACKOUT ang pinaiiral mo. Pati na nga sa resulta ng recount. Wala  kang binibigay na dahilan hanggang ngayon kung bakit hindi dapat malaman ng sambayanan ang resulta.

BINABANGUNGOT ka, Your Honor, kung sa akala mo ay magsasawa o mapapagod ang mga pro-Bongbong sa paghihinaty sa resulta at mga nangyari o nangyayari pa sa recount. Lalo mo lamang PINATITIBAY ang desisyon nilang HUWAG BUMITIW sa protesta n Bongbong.

Kaya’t kung mahal mo ang pamilya mo, Your Honor, iligtas mo na sila sa kahihiyan at galit ng nakararami sa sambayanan BAGO PA MAN DIN maganap iyon. Lalo na ang sarili mo. Laging nasa huli ang pagsisi, Mr. Caguioa. Huwag mong kalimiutan.
                                                   ***
Makakatulong  po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. LIbre ho ang magclick. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30

No comments:

Post a Comment