Monday, December 10, 2018

TALO NA SIGURO SI LENI SA RECOUNT

Image result for images for leni robredo
Personal ko lang ito: TALO na siguro si Leni Robredo sa recount ng mga botong sakop ng protesta ni Bongbong Marcos laban sa kaniya. SADYA LANG HINDI IBINABALITA PA sa national media.

Bakit ko nasabi ito? Dati, si Pangulong Digong Duterte lang ang walang tigil na inaatake.  Ngayon, pati si Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, binabakbakan na rin.

Una, mahigit P2-bilyon na isiningit KUNO sa mga budget para sa mga proyekto sa distrito ni GMA sa Pampanga ang itinira sa kaniya. Nang mismong ang acting chairperson na ng House of Representatives Appropriations Committee ang nagsabing hindi totoo ito, karagdagang bilyong pisong pondo naman para mga congressman na malapit diumano kay GMA  ang isinunod.

Nang hindi pa rin pinansin ng higit na nakararami sa sambayanan, pekeng sulat naman na galing KUNO kay GMA ang biglang lumabas.

Ngayon, kapag DALAWA SA PINAKA-MAKAPANGYARIHANG TAO sa bansa ang SABAY NA SISIRAIN, SARILING INTERES AT KAPANGYARIHAN sa bayan lamang ang posibleng dahilan. At kung masisira sina Digong at GMA, TANGING si Robredo lamang ang agad na makikinabang.

Pero hindi mangyayari iyon kung talo siya sa recount. Kaya’t bago malaman ng sambayanan ang katotohanan, kailangang MASIRA na si Digong at ang mga kilalang kaalyado niya tulad ni GMA sa mata ng taumbayan. Para magalit na tayo at maging balido KAHIT KONTI na si Robredo na ang mamumuno sa ating bansa. At kalimutan na natin ang recount.

HINDI SISIRAIN NINUMAN ang presidente at si GMA nang sabay para lamang sa isang konsehal o barangay captain. Kumontra na ang kokontra.
                                                                 ***
Salamat sa mga patuloy na nagki-click sa mga advertisement sa paligid ng ating blog. Malaking tulong ito para araw-araw kong maipost ang forumphilippines. God Bless you all! 30



5 comments:

  1. You have a point. Ganun nga malamang. Talong talo na.

    ReplyDelete
  2. Hindi na kailangang pagdudahan pa na si Robredo ay talagang talo kahit gaano ang giit ng kanyang mga kaalyado at mga abogadong na walang palyang nangingialam sa mga paraan na pilit nilang nilalabag. Si BBM ang tunay na panalo.

    ReplyDelete
  3. TALAGANG HINDI SIYA NANALO! MARAMING INILABAS NA PRUWEBA SI ATTY. GLENN CHONG SA DAYAAN, SI ALENG LENI ROBREDO PURO DEPENSA, HALATANG HALATA NA NANDAYA SIYA! NGAYON BAPATAY SA AMBUSH ANG BODYGUARD NI ATTY.GLENN CHONG, HINDI AKO MAGTATAKA KUNG SI ALENG LENI ROBREDO AY KASAMA SA MGA LISTAHAN NG MAY KINALAMAN SA PAGPATAY ! AIGURADONG SI ATTY. GLENN CHONG ANG GUSTONG TIRAHIN !

    ReplyDelete
  4. Talo naman talaga ai...... Makapal nga lang talaga ang mukha at makapal pa ang budger nila para patagalin ang resulta ng recount..... If possible hanggang mapababa nila ang pangulo..... Suntok nga lang sa.buwan.....

    ReplyDelete