Saang anggulo ko mang tingnan, IISANG GRUPO LAMANG ang nasa likod ng NEWS BLACKOUT ng
recount ng mga botong sakop ng protesta ni Bongbong Marcos laban kay Leni
Robredo at sa pagpatay kay Richard Santillan.
SABAY NA NAKOKONTROL ang parehong isyu sa national
media. As in sabay na WALANG LUMALABAS. Lalo pa at MAKAKASAMA kay Robredo o sa
mga pulis na nakapatay kay Richard. Na alam na nating lahat na security aide ni
Glenn Chong, na NAGBUNYAG ng malawakang dayaan noong 2016 election.
Hindi iyong may lumulusot sa protesta o sa
pagpatay kay Richard kahit paminsan-minsan sa national media. SABAY na walang
lumalabas. At tiyak na HINGI GAGO ang utak o mga utak ng news blackout na ito
para magkaibang grupo ang kunin at magrisko na dumami pa ang makakilala sa
kaniya o kanila. Ito ang NAKAKATAKOT, mga kababayan.
Ibig sabihin lamang, MILYON-MILYON o baka
DAAN-DAANG MILYON pa ang pera ang umaagos sa news blackout na ito. Hindi libo-libo o
daan-daang libo lamang. ESTUPIDO ang magiisip man lamang na barya-barya lang
ang news blackout na ito.
KATAKOT-TAKOT NA PERA NA TIYAK na galing sa
MASAMA, sa pangwa-walanghiya sa ating sambayanan sa iba-ibang paraan. Dahil
PASYENTE LAMANG SA MENTAL HOSPITAL ang magtatapon ng malaking pera mula sa
malinis na paraan para sa kademonyuhan.
Kumontra na ang kokontra.
***
Salamat sa mga patuloy na nagki-click at
tumitingin sa mga advertisement sa paligid ng ating blog. Nakakatulong iyon
para araw-araw akong makapagpost. God Bless. 30
No comments:
Post a Comment