Monday, December 17, 2018

EBIDENISYA PA NG KAHAYUPAN SA SANTILLAN SLAY!


Image may contain: 1 person
Heto pa ang pisikal na ebidensiya ng KAHAYUPAN sa pagpatay kay Richard Santillan.

Mayroong APAT NA IDENTIFICATION CARDS si Richard sa wallet niya nang siya’y mapatay. Pero umabot ng 16 NA ORAS matapos ang pangyayari bago ipinaalam sa pamilya ni Richard na wala na siya. At anonymous text o mula lamang sa isang taong HINDI NAGPAKILALA ang pinanggalingan ng balita. HINDI ang mga headquarters ng mga kasaling pulis sa pangyayari.

Kaya BAKIT KINAILANGANG ITAGO sa mga mahal na buhay ni Richard, ng 16 NA ORAS ang pagkamatay niya? WALA ba kahit ga-tuldok na KONSIYENSIYA ang mga nagutos at gumawa noon para hindi maisip kung GAANO KASAKIT IYON sa asawa, ina at mga mahal sa buhay ni Richard?

KILALA na agad kung sino si Richard. Nasa mga ID niya ang kumpletong address at contact number. Kabilang sa mga ito ay ang driver’s license at firearm license card niya mula sa Camp Crame. Kaya WALANG DAHILAN para HINDI AGAD MAKONTAK ang kaniyang pamilya at ina.

Maliban na lamang kung SADYANG WALANG BALAK sanang ipaalam sa kanila ang nangyari.

KAWALANGHIYAAN LAMANG ang itinatago sa mata ng sambayanan. Kung sasabihin ng pulisya  na walang ginawang kahayupaan kay Richaard at sa sinapit niya, wala ring dahilan para hindi nila AGAD NA MAIPALIWANAG ang mga sumusunod:

ANO O ANO-ANO ang mga dahilan kung bakit ITINAGO ang pagkamatay ni Richard sa mga mahal niya sa buhay? SINO ANG NAGUTOS at/o nagbigay ng permiso? Higit sa lahat, ANO-ANO ANG NAGANAP NOONG 16 NA ORAS na iyon?

Welcome magkomento ang kahit sino.
                                                   ***
MALAKING TULONG para araw-araw kong maipost ang ating blog kung susubukan ninyong iclick at tingnan ang mga advertisement sa paligid nito. Salamat lagi and God Bless. 30


1 comment:

  1. Sangayon s salaysay ni Atty Glenn Chong at paliwanag s nakita s katawan pasa at pagkawala ng kuko n biktimang c Red malaliwanag ngang execution ito atvwalang kalaban2x at wala armas n dala at nwala ng 3 mahigit n oras di lalayo n torture nga ito kumbensadomako jan at nawawala Cp ng biktima, malamang kilala ng biktima mga salarin

    ReplyDelete