Nasa MALAKING PANGANIB tayo, mga kababayan. Panganib na PROTEKTADO at magdudulot ng HIRAP
AT TAKOT sa atin kapag HINDI NATIN SAMA-SAMANG LALABANAN. Isipin ninyo ito:
Halos ARAW-ARAW, MAY BAGONG BALITA tungkol sa
pagpatay kay Rep. Rodel Batocabe.
Iyong actual na krimen. Reaksiyon ng kung
sino-sinong pulitiko at mga gimik nila tulad ng reward money. Ang pinakabago sa
kaso, tulad ng sinabi ng mga testigo sa gmanews.tv na tatlo sa mga killer ay
nakihalubilo pa sa madla sa pinangyarihan ng pagpatay. Laging MAY BAGONG
BALITA. At AGAD-AGAD na nilalabas ng national media. As in AGAD. Kahit na
TATLONG ARAW PA LAMANG ang nakakaraan matapos patayin si Batocabe.
Pero iyong pagpatay kay Richard Santillan
mahigit dalawang linggo na ang nakakaraan, KAHIT ISANG SALITA WALA NANG
LUMALABAS sa national media. WALANG anumang sariling follow-up na ginawa ang
national media. Samantalang TUKOY ANG LUGAR na pinangyarihan ng krimen, at ang mga
pinanggalingan ng mga pulis na nakapatay kay Richard.
WALA na ring inilalabas na bagong development
sa kaso ang PNP. Hanggang ngayon, WALA
PANG LUMALABAS NA KUMPLETONG LISTAHAN ng mga kasangkot na pulis. Lalo nang WALANG
PALIWANAG hanggang ngayon sa mga agad na nakitang mga senyales ng
KAWALANGHIYAAN -- 16 na oras bago sinabihan ang pamilya ni Richard na patay na
siya, hindi pulisya ang nagsabi kundi
ANONYMOUS TEXTER PA, mga bakas ng torture sa bangkay ni Richard, mga BUONG WINDSHIELD
ng sasakyan ni Richard samantalang nakipagbarilan ito KUNO sa pulis kaya
pinatay at marami pang iba.
Idagdag pa rito ang LANTARANG PATULOY NA
PAGTATAGO ng resulta ng recount ng mga botong sakop ng protesta ni Bongbong
Marcos laban kay Leni Robredo. Kahit na WALA RING MAIBIGAY NA JUSTIFICATION
HANGGANG NGAYON ang sinuman kung bakit ganoon.
Tulong-tulong at garapalang WALANGHIYAAN ang mga
nangyayaring ito. Hindi ito ginawa, at ginagawa pa, ng mga DEMONYONG NAMAMAHALA
dahil trip o feel nilang gawin. May alagad ng impiyerno na naguutos.
Kung magtatagumpay ang mga diyablo na ito,
isipin ninyong mabuti kung anong KLASENG KASAMAAN pa ang makikita at daranasin
natin kapag sila na ang maghahari sa bansa.
Nasasa atin ang desisyon, mga kababayan.
***
Salamat sa mga patuloy na nagki-click at tumitingin sa mga advertisement sa paligid ng ating blog. Nakakatulong iyon para araw-araw akong makapagpost. God Bless. 30
***
Salamat sa mga patuloy na nagki-click at tumitingin sa mga advertisement sa paligid ng ating blog. Nakakatulong iyon para araw-araw akong makapagpost. God Bless. 30
justice for Richard Santillan. Hoy Gising
ReplyDeleteTama po kau jan sa sinabi ninyo sir,,,
ReplyDeleteTama po sir kailangan nating supportahan yong mga politikong gustong magsilbi sa bayan like atty Chong,Imee marcos,bato
ReplyDeleteatty glenn chong for senator, and madam imee as well!!!!
ReplyDeleteAyaw nila pagusapan ang tungkol kay red santillan dahil baka mabuko kung sino ang nasa likod ng pagpatay kay red malaking grupo ang mga ito magkakampi medya at politiko.
ReplyDeleteIT REALLY HURTS....WE COULD FEEL THE PAINS OF THE FAMILY SPECIALLY G CHONG...WHAT WOULD YOU FEEL IF YOUR IN THEIR SITUATION....SO VERY SAD..IT'S UNFAIR!!!
ReplyDeletejustice po at sana magising na po tayong sa mga manloloko
ReplyDelete