ANG RECOUNT AREA PARA SA BONGBONG MARCOS PROTEST |
Tiyak na super saya ang Pasko ng mga
MANDARAYA noong 2016 election. Hindi lang ang mga mismong gumawa kundi pati na
ang kanilang mga protektor, at mga BOSS!
Mahigit dalawang taon na ang nakalipas pero
HANGGANG NGAYON KAHIT ISA, WALANG NAPAPARUSAHAN O NAKAKASUHAN. WALA rin anumang
indikasyon hanggang ngayon na mayroong anumang tuloy-tuloy na
aksiyon/imbestigasyon para mapalabas ang katotohanan at makulong ang mga dapat
magdusa.
Kahit na KALIWA’T-KANAN na ang ebidensiya at matibay
na senyales ng dayaan: BASA, PUNIT-PUNIT AMOY KEMIKAL o may mga paso ng
sigarilyong balota; pagpapadala ng mga resulta KUNO ng halalan sa bayan ng
Ragay sa Camarines Sur ISANG ARAW PA BAGO ANG AKTWAL NA HALALAN; mga PEKENG
BOTANTE sa tatlong probinsiya sa ARMM na ibinulgar ng dating gubernador ng Sulu at HINDI MAPASINUNGALINGAN ng Comelec; pre-shaded
ballots para kay Leni Robredo; mga SD cards na may lamang data ng halalan pero
nauna nang idineklara ng Comelec na hindi nagamit; HINDI AWTORISADONG PAGBABAGO
ng Smartmatic sa transparency server noong gabi ng eleksiyon na AYAW IPAKITA NG
COMELEC HANGGANG NGAYON at marami pang iba.
Kaya’t maeenjoy na naman ng mga MANDARAYA
2016 ang MILYON-MILYON o baka nga DAAN-DAANG MILYON pa nilang kinita mula sa
KAWALANGHIYAAN nila ng walang anumang kaba o palatandaan na dapat na silang
kabahan dahil maaparusahan na sila.
Ano kaya ang lasa ng mga pagkain o inumin na
mula sa PANDARAYA sa eleksiyon? Ng pakiramdam ng mga gamit pansarili tulad ng damit
na nabili ng bayad ng mga mandaraya?
Sinabi ko na minsan at uulitin ko ngayon: Humanda tayo sa MAS MALAWAKANG DAYAAN sa
eleksiyon sa isang taon.30
No comments:
Post a Comment