Sunday, December 2, 2018

SHUT UP, SATUR…BULOK KANG PROPAGANDISTA!


Image result for images for satur ocampo
MANAHIMIK ka na Satur Ocampo. WALA ka nang dapat ireklamo o iputak na parang manok.

Pinayagan ka at ang mga kasama mo na MAGPIYANSA matapos kayong arestuhin  dahil sa DIUMANO’Y  kidnaping. MALAYA na kayo. Kaya WALA kang masasabing hindi kayo binigyan ng due process.

Hindi rin kayo sinaktan o pinagpapatay. Kaya WALA rin kayong mairereklamong police brutality. Sa madaling salita, WALA kang masasabing inapi o inagrabyado kayo.  So SHUT UP and spare the people from your NOISE POLLUTION!

NAHIHIBANG ka kung sa akala mo ay may sapat kang kredibilidad para kaawaan at kampihan ka ng sambayanan. At magalit sa gobyernong Duterte. Dahil WALANG DAHILAN para mangyari iyon.  HINDI KAMI TANGA O UTO-UTO!

At LALONG HINDI NAMIN NALILIMUTAN na sa ilalim ng ating batas, HUSGADO NA LAMANG ang makapagsasabi kung agrabyado ka at ang mga kasama mong naaresto o hindi. WALA nang iba pa. KAHIT IKAW.

Kung ayaw mong manahimik, isama mo na lang sa bundol ang mga tyana-media na bawat salita mo ay  pinapatulan at don kayo magngangawa sa mga kakosa mong rebeledeng komunista.
                                                ***
Salamat sa mga patuloy na nagki-click sa mga advertisement sa paligid ng ating blog. Malaking tulong ito para tuloy-tuloy, araw-araw kong maipost ang forumphilippines. God Bless you all! 30

  



No comments:

Post a Comment