Saturday, December 29, 2018

SINO BA ANG TAKOT KAY ROBREDO?


Image result for images for leni robredo
Magtatapos na rin lang ang 2018, MAGDERECHAHAN NA TAYO:

Lumantad na ang TAKOT kay Leni Robredo at MAGTAPAT NA kung bakit. At kung kay Robredo lang sila takot o sa IBA PA? 

Tigilan na ninyo ang PANGGA-GAGO SA SAMBAYANAN. LUNURIN man ninyo kaming sambayanan sa mga ‘pa-cute’ na press release ni Robredo, tulad ngayong araw na ito, HINDI NA NAMIN MALILIMUTAN NA:

PATULOY NA TINATAGO hanggang ngayon ang resulta at mga kaganapan sa recount ng mga botong sakop ng protesta ni Bongbong Marcos laban kay Robredo. TINATAGO NG WALANG MAIBIGAY NA JUSTIFCATION ang sinuman sa Comelec o sa Presidential Electoral Tribunal (PET) kung bakit kailangang gawin iyon.

Patuloy na BINABALE-WALA, as in, NG LAHAT ang mga PISIKAL na ebidensiya ng DAYAAN  na nabisto at inilantad na. WALA pang nareresolba o nadedesisyunan, WALA pang nakakasuhan, ni WALANG TULOY-TULOY na imbestigasyon na nababalita KAHIT ISA.  Sa Comelec man, PET, Senado o House of Representatives.  Parang WALANG NANGYARI.

Marami pa. Kaya kung MAY KAHIHIYAN PA KAYO kahit kaunti, kung meron pa, lumabas na kayo at nang magkaalaman na. Bago dumating sa puntong tayo-tayo na sa sambayanan ang maglaban-laban.

Ngayon, kung singkapal na ng asero ang mga  mukha at sikmura ninyo, kaawaan sana ng Diyos ang mga mahal ninyo sa  buhay para hindi sila ang makarma.
                                                             ***
Salamat sa mga patuloy na nagki-click at tumitingin sa mga advertisement sa paligid ng ating blog. Nakakatulong iyon para araw-araw akong makapagpost. God Bless. 30






No comments:

Post a Comment