Wednesday, December 26, 2018

‘SHOOTOUT’ KAY RICHARD, LALONG LUMALABO!


Image may contain: 3 people, people standing and text
Lalong LUMALABO ang deklarasyon ng PNP Southern Tagalog na napatay ang aide ni Glenn Chong na si Richard Santillan sa isang shootout. At hindi ito sadyang pinatay ng walang laban.

Ayon sa mismong Facebook post ni Glenn Chong, HANGGANG NGAYON AY WALA pang maibigay ang PNP sa mga sinasabi nilang report kuno na si Richard ay  sangkot sa isang gang  ng mga criminal at ang ginamit nitong sasakyan ay may problema sa rehistro.

Kung totoong may mga report, dapat ay may hawak na agad ang PNP at agad nilang ilalabas iyon dahil mapapatunayan nilang wala silang ginawang mali. Pero 16 NA ARAW na ang nakaraan mula nang patayin si Richard, WALANG MAIBIGAY NA PRUWEBA ANG PNP.

Heto ang ilang bahagi ng post ni Glenn (https://www.facebook.com/glenn.chong.754?epa=SEARCH_BOX):

(Southern Tagalog PNP Director) Gen. (Edward) Carranza, NASAAN NA ANG IPINAGYAYABANG MO NA "SOLID INTELLIGENCE REPORT" KAY RICHARD SANTILLAN? 16 ARAW NA ANG LUMIPAS MULA NG WALANG-AWANG TINORTURE, PINATAY AT SINET-UP NG INYONG MGA BATA (si Richard), NI ISANG PAHINA NG SOLID REPORT MO WALA KANG NAIPAKITA SA AMIN.

(PNP Highway Patrol Group Director) GEN. (Roberto) FAJARDO, IPAKITA MO ANG STRADCOM REPORT NA SINASABI NG MGA BATA MO NA SIYANG GINAMIT NILA UPANG HARANGIN SI RICHARD SANTILLAN.ILABAS MO YAN UPANG MAGKABUKINGAN NA TAYO.
                                                   ***
Salamat sa mga patuloy na nagki-click at tumitingin sa mga advertisement sa paligid ng ating blog. Nakakatulong iyon para araw-araw akong makapagpost. God Bless. 30




1 comment:

  1. RIGHTEOUSNESS EXALT A NATION. KUNG MGA BAYARAN PULIS ANG MAG LILINGKOD WALANG MANGYAYARI SA BAYANG ITO SANA MAPAKITA DIN NA FAIR AT JUST KAYO SIR MASKI KA MISTAH NYO ANG MGA ITO

    ReplyDelete