Thursday, December 27, 2018

IKAW ANG MASISIRA NG HUSTO, ALBAYALDE!


Image result for images for oscar albayalde
With all due respect kay PNP Director-General Oscar Albayalde:

IKAW ANG MASISIRA ng husto, sir, kapag WALA pang nakitang aksiyon ang sambayanan sa mga darating na araw laban sa mga pulis na nakapatay kay Richard Santillan. Hindi ang mga direktang nakapatay o ang mga commanding general nila na sina Edward Carranza at Roberto Fajardo.  Dahil ikaw ang hepe ng PNP.

Hanggang walang utos ang hukuman ay puwede mong gawin o iutos ang KAHIT NA ANO sa PNP para mapabilis ang pagpapalabas ng katotohanan sa pagkamatay ni Richard. Lalo pa at may mga PHYSICAL na ebidensiya at senyales na HINDI NAKIPAGBARILAN si Richard sa mga pulis mo kaya ito napatay. Tulad ng 63 sari-saring sugat at iba pang palatandaan ng torture na nakita sa autopsiya ng Public Attorney’s Office at ang pagiging negatibo ni Richard sa powder burns na HINDI MAPASINUNGALINGAN nina Carranza at Fajardo hanggang ngayon.

Dahil sa mga ebidensiya at senyales, alam na alam mo, Gen. Albayalde, na HINDI SASAPAT KAILANMAN sa sambayanan na irelieve at ilipat lamang sa ibang lugar ang mga killer ni Richard.  Pero wala ka pang nababalitang legal o administrative na aksiyon laban sa mga ito bukod sa pagrelieve sa kanila.

Marami nang nagtataka at nadidismaya sa iyo, general. Nagtataka kung bakit tila HELPLESS ka sa iilang tao mo na damay sa pagkamatay ni Richard. Nadidismaya dahil bago ka naging PNP chief ay ilang beses kang nakita sa TV news na mahigpit pagdating sa disiplina.

Hahayaan mo bang sirain ng iilan ang career o reputasyon mo, sir, bilang PNP chief? Wala ka naman sigurong kinakatakutan. At huwag  mo sanang kalimutan, general, na baka dumating ang araw na pati pamilya mo at mahal sa buhay ay mabatikos na dahil sa pagpatay kay Santillan.  

Uulitin ko, IKAW ANG MASISIRA NG HUSTO.
                                                         ***
Salamat sa mga patuloy na nagki-click at tumitingin sa mga advertisement sa paligid ng ating blog. Nakakatulong iyon para araw-araw akong makapagpost. God Bless. 30




1 comment:

  1. When the accused is the father of the son of the judge...can expect justice?

    ReplyDelete