Friday, December 14, 2018

TORTURE SIGN ON SANTILLAN



Image may contain: one or more people and text
This is a post from Glenn Chong’s Facebook page on the possible torture of his aide Richard Santillan before the killing. Except for deleting the last paragraph, I am running this UNEDITED, AS IT IS.


Kung natamaan ito ng bala, sabog sana ang daliri ng paa ni Richard Santillan. Pero hindi ito sabog. Tinanggal ang koko kaya may dugo.

Paano ngayon ipaliwanag ng mga pumatay kay Richard Santillan ang isang lehitimong engkwentro kuno pero natanggal ang koko ng daliri ng paa ng biktima?
Ayon sa mga testigo, umalis si Richard Santillan mula sa despidida party na isinagawa sa bahay ng kanyang coordinator para sa Give-a-Gift program bandang alas-10:00 ng gabi ng Disyembre 9.

Ayon naman sa Police Spot Report, nangyari ang engkwentro bandang ala-1:00 ng umaga ng Disyembre 10.

Kung gayon, may 3 oras na pagkakaiba sa sinabi ng mga testigo at sinabi ng mga kapulisan. Saan pumunta si Richard Santillan sa loob ng 3 oras na ito? Ito ba ang panahon na tinanggalan siya ng koko sa daliri sa paa? Ito ba ang panahon na siya ay tinorture ng mga salarin?

May iba pang palatandaan ng pagtorture sa katawan ni Richard Santillan.Kung mapatunayan na may nangyaring pagtorture kay Richard Santillan, basag ang buong istorya ng kapulisan.

Ito naman ang sa akin: Kung totoong engkuwentro ang nangyari, WALANG DAHILAN PARA HINDI AGAD MAIPALIWANAG ITO NG MGA NAKAPATAY KAY SANTILLAN.
                                                                  ***
Salamat sa mga patuloy na nagki-click sa mga advertisement sa paligid ng ating blog. Malaking tulong ito para araw-araw kong maipost ang forumphilippines. God Bless you all! 30




No comments:

Post a Comment