Saturday, December 22, 2018

PATI SI RED, AGRABYADO NA SA MEDIA!


Image result for images for richard santillan
Una, si Bongbong Marcos. Ngayon. Pati si Richard ‘Red’ Santillan na aide ni Glenn Chong ay AGRABYADO NA RIN ng husto sa national media.

Matapos ang pagpatay kay Congressman Rodel Batocabe kahapon, AGAD-AGAD na itinakbo ng ABS-CBN (https://news.abs-cbn.com/news/12/22/18/batocabe-murder-must-not-be-the-new-normal-robredo-says) at ng GMA NEWS (https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/679139/vp-leni-calls-for-swift-justice-in-batocabe-slay/story/?just_in) ang statement ni Leni Robredo na kumokondena sa krimen at ang demand nito na agarang katarungan para sa mga naulila.

As in agad-agad. At MAHABANG ISTORYA, hindi isa o dalawa o tatlong paragraph lamang.

Pero hanggang ngayon, WALANG ISTORYANG INILALABAS ang ABS-CBN at ang GMA News kung ano bago sa pagpatay kay Red. Lalo na sa mga katanungan ni Glenn na HINDI PA NASASAGOT at sa mga palatandaan na tinorture ito bago nalagutan ng hininga. WALANG anumang follow-up story silang ginagawa. May iilan silang inilabas pero LAMANG PA ang panig o bersiyon ng pulis kung babasahin ang mga ito.

At huwag na huwag nating kaliimutan, mga kababayan, na hanggang ngayon, PATULOY ANG NEWS BLACKOUT sa recount ng mga balota na sakop ng protesta ni Bongbonbg laban kay Robredo.

HINDI LANG SA RESULTA kundi pati na kung ANO NA ANG NANGYARI SA MGA DAYAANG NABULGAR NA, tulad ng basa o punit o amoy kemikal na mga balota at pagpapadala ng mga resulta KUNO ng eleksiyon sa bayan ng Ragay sa Camarines Sur ISANG ARAW PA bago ang aktwal na botohan.

Tuloy-tuloy ang news blackout, WALANG JUSTIFICATION NA MAIBIGAY ang sinuman kung bakit kailangan pa ito at WALA AS IN WALA tayong alam sa mga dayaan o anupaman. Pero si Robredo, na NAGREACT LAMANG, LABAS AGAD ANG ISTORYA.

Hindi brutal na patayan ang normal ngayon, Robredo, tulad ng sinabi mo sa reaksiyon mo  PAKAPALAN NG MUKHA.
                                                            ***
Salamat sa patuloy na nagki-click at tumitingin sa mga advertisement sa paligid ng ting blog. Nakakatulong iyon para araw-araw akong makapagpost. God Bless. 30

No comments:

Post a Comment