Sunday, December 16, 2018

PATI TAYO, TALO SA SANTILLAN KILLING!


Image result for images for richard santillan
Isipin ninyo ito, mga kababayan: Pati tayo, TALO sa pagpatay kay Richard Santillan. DOBLE, TRIPLE TALO!

Pinaghirapan nating BUWIS ANG SINUSUWELDO ng mga pulis na kasama sa patayan. Pati ng kanilang mga commanding officer.  Sa buwis natin galing ang anumang ginastos nila sa operation  na nagresulta sa kamatayan ni Richard. Tuloy-tuloy ang suweldo nila at anumang benepisyo pa dahil HINDI NAMAN SILA SINUSPINDE O KINASUHAN AT IKINULONG. Nirelieve o inalis lang sila sa puwesto.

Pero kahit na tuloy-tuloy na ring naglalabasan ang mga pruweba at senyales na SADYANG PINATAY si Richard at HINDI NAKIPAGBARILAN sa mga pulis tulad ng pinalalabas  ng mga awtoridad, WALA TAYONG MARINIG NA ANUMANG PALIWANAG sa kanila. HINDI rin nila mapatunayang mali o hindi totoo ang mga pruweba at senyales na ito.

Tulad ng PAGTANGGAL NG KUKO sa isang daliri niya sa paa. At ang p;agiging negatibo nito sa powder burns., na ang ibig sabihin ay hindi ito nagpaputok ng baril nang siya ay mapatay.

WALA  na tayong marinig na paliwanag mula sa PNP, WALA ring balita sa national media tungkol sa mga pruweba at senyales na execution ang nangyari kay Richard. As in WALA.            

Wala akong tutukuyin na nasa likod ng news blackout na ito. Pero bilang dati ring taga media, alam ko na HINDI LIBRE ITO.  MALAKIHAN SUPER MALAKIHAN ITO. At nasisiraan lang ng bait ang gagastos ng perang galing sa MALINIS NA HANAPBUHAY para dito.

Ganiyan tayo kaagrabyado, mga kababayan. Kumontra na ang kokontra.
                                                         ***
MALAKING TULONG para araw-araw kong maipost ang ating blog kung susubukan ninyong iclick at tingnan ang mga advertisement sa paligid nito. Salamat lagi and God Bless. 30

No comments:

Post a Comment