Katatapos lang naming magusap ng isa kong matagal
at subok nang impormante.
WALA DAW anumang aksiyon o palatandaan ng
anumang aksiyon sa Comelec, o sa panig man ni Bongbong Marcos protest
supervising Justice Alfredo Benjamin Caguioa. laban sa kabi-kabilang ebidensiya
at senyales ng dayaan noong 2016 election.
“As in wala. Lalo na iyong pinakahuling nabunyag
na mga pekeng boto sa Lanao del Sur, Basilan at Maguindanao sa ARMM. Ito ring mga probinsiyang ito ang
pinetisyon na noon pa ni Bongbong na mapawalang-bisa ang naging eleksiyon. Walang
imbestigasyon. Walang iniimbestigahan. Wala pa ring kinakasuhan. Kahit na wala
ring makapagpatunay hanggang ngayon na peke ang anumang ebidensiya, parang
walang nangyari.
“At ang matindi, walang balak ang Comelec na
palitan ang Smartmatic kahit na marami sa mga dayaang naganap ay mula sa mga
PCOS machine.”
Nang idagdag ko na pati nga iyong recount ng
mga balotang sakop ng protesta ni Bongbong ay TOTA.L NEWS BLACKOUT pa rin
hanggang ngayon, maigsi na lang ang naging sagot ng impormante ko: “Kaya
humanda na tayo sa mas malawaka na dayaan sa eleksiyon sa isang taon.”
Napatango na lang ako sabay paalam na mauna
na ko sa kaniya.
***
Salamat sa mga
patuloy na nagki-click sa mga advertisement sa paligid ng ating blog. Malaking
tulong ito para araw-araw kong maipost ang forumphilippines. God Bless you all!
30
No comments:
Post a Comment