These are excerpts from the Facebook post of
Glenn Chong’s reaction to the press release of Leni Robredo’s camp that he had
failed to explain where he got the audit logs showing transmissions of supposed
election results to Ragay in Camarines
Sur A DAY BEFORE THE ACTUAL 2016 ELECTIONS.
Nilunod ng kampo ni Leni Robredo ang media sa
kanyang press release noong Huwebes na pawang kasinungalingan lamang, na “sa
kabila ng mahabang diskusyon ng pandaraya sa halalan ni Atty. Glenn Chong,
hindi nito sinagot ang isyu kung saan niya kinuha ang election data mula sa
Ragay, Camarines Sur.”
Sinagot ko ang isyu nila. Malinaw ito sa Paragraphs
33 hanggang 42 ng aking comment na isinumite sa PET.
Si dating Congressman Luis R. Villafuerte
(LRV) ay humingi ng kopya ng laman ng mga SD cards sa Camarines Sur para sa
kanyang sariling protesta dahil hindi siya binigyan ng Comelec sa loob ng halos
2 taon. Hiningi niya (ang mga) ito sa isa sa mga abogado ni BBM (Bonbgbong
Marcos). Ang lahat ng SD cards mula sa Camarines Sur ay kinopya nito sa hard
drive at ibinigay kay LRV. Si LRV naman ay ibinigay sa akin ang hard drive for
evaluation, examination and analysis. Dito ko kinuha ang election data mula sa
Ragay.
Hindi ko ito ninakaw. Walang illegal sa
transaksyong ito. Katunayan, ipinaalam pa ito ni LRV sa House of
Representatives Electoral Tribunal.
Ito naman ang sa akin: Tulad na rin ng nasabi
ko sa naunang blog kaugnay nito, HINDI IKINAILA ni Robredo ang dayaan sa Ragay. At sa halio na ang naturang krimen ang
ipasiyasat niya, ang pinanggalingan ng ebidensiya ang gusto niyang malaman.
Higit sa lahat, HINDI sinabi ni Glenn na SIYA
ANG NAKINABANG SA DAYAAN sa Ragay. Pero PALAG NG PALAG si Robredo. Kayo na ang
magdugtong, mga kababayan!
***
Salamat sa mga patuloy na nagki-click sa mga advertisement sa paligid ng
ating blog. Malaking tulong ito para tuloy-tuloy, araw-araw kong maipost ang
forumphilippines. God Bless you all! 30
I'm hoping that the true VP who voted by the majority of the people be proclaim very soon. BBM the real VP of the Philippines
ReplyDeletenilulubog ni leni ang sarili sa kumunoy.
ReplyDelete