Ngayon pa lang, huwag na tayong magulat kung ‘UNLI’
O UNLIMITED ang magiging DAYAAN sa eleksiyon sa 2019.
Binabale-wala na ang pagtorture at pagpatay sa security aide ni Glenn Chong na si Richard Santillan. WALANG ANUMANG BAGONG DEVELOPMENT na nirereport ang PNP, pati ang national media. Tukoy ang mga pulis na kasangkot pero KAHIT ISA, WALA PANG NAKAKASUHAN O DINISARMAHAN man lamang.
Pero sa pagpatay kay Congressman Rodel
Batocabe, ARAW-ARAW may bagong balita. Kahit reaksiyon lang ng sinuman, LABAS
AGAD-AGAD sa national media.
PATULOY ANG PAGTATAGO ng resulta ng recount
ng mga botong sakop ng protesta ni Bongbong Marcos laban kay Leni Robredo. PATULOY ding WALANG JUSTIFICATION na maibigay
ang mga kinauukulan para dito. Kabi-kabila na ang EBIDENSIYA at palatandaan
ng dayaan pero KAHIT ISA, WALA pang nareresolba. Itama ako ninumann kung mali ako.
At higit sa lahat, HINDI NA PAPALITAN ng
Comelec ang Smartmatic kahit na MARAMI sa mga dayaang nadiskubre ay NAGMULA SA
AUTOMATED ELECTION SYSTEM nito.
MAY PINATAY NA, BALE-WALA. PISIKAL AT
BERIPIKADONG ebidensiya ng dayaan, bale-wala. Isa sa mga pinagmulan ng dayaan, HINDI
PAPALITAN. WALA nang pipigil pa sa mga mandaraya sa eleksiyon sa isang taon.
WALA nang pipiigil pa sa kanila para magisip at gumamit ng mga bagong paraan ng
pandaraya. KUMONTRA NA ANG KOKONTRA.
KAAWAAN AT ILIGTAS NAWA TAYO NI MAMA MARY
ngayon pa lamang!
***
Salamat sa mga
patuloy na nagki-click at tumitingin sa mga advertisement sa paligid ng ating
blog. Nakakatulong iyon para araw-araw akong makapagpost. God Bless. 30
No comments:
Post a Comment