Kung mapapansin ninyo, tinorture at pinatay
na nga ay ININSULTO PA si Richard Santillan. Gamit ang isa na BRUTAL DING
PINATAY ng walang laban, si Congressman Rodel Batocabe.
Agad-agad, MAY p30
milyon na
reward para sa impormasyon at ikadarakip ng mga pumatay kay Batocabe. At may nabasa pa akong baka tumaas pa ito
dahil magbbigay din daw ang mga kapuwa congressman ng biktima.
Sa kaso ni Richard, WALA KAHIT ISANG SENTIMO
para sa impormasyon ng totoong nangyari noong gabing mapatay siya. Kahit na
KALIWA’T KANAN na ang mga palatandaan na extra judicial killing (EJK) ang
nangyari sa kaniya at HINDI ENGKWENTRO tulad ng sinasabi ng pulisya. Tulad ng
pagiging NEGATIBO ni Richard sa powder burns at mahigit 60 at sari-saring sugat
na nakita sa autopsiya ng Public Attorney’s Office (PAO).
At higit sa lahat, kung sino-sinong pulitiko
na ang nananawagan ng katarungan para kay Batocabe. Pero para kay Richard,
kahit isa WALA. Itama agad ako ninuman kung mali ako.
Hindi ako abogado pero sigurado ako na sa ilalim ng ating batas, PANTAY-PANTAY ang
lahat pagdating sa katarungan. Mayaman o mahirap, congressman o hindi. Pero sa nangyayari sa kaso ni Richard, para
na ring sinabihan ang mga mahal niya sa buhay na “Bodyguard lang si Richard.
Congressman si Batocabe.”
Kumontra na ang kokontra. Atin ang desisyon,
mga kababayan, kung hahayaan pa nating manatili sa puwesto ang mga UMINSULTO,
NANG-ISMOL, kay Richard sa eleksiyon sa isang taon.
***
Salamat sa mga patuloy na nagki-click at
tumitingin sa mga advertisement sa paligid ng ating blog. Nakakatulong iyon
para araw-araw akong makapagpost. God Bless. 30
Pinas walang silbi ang batas,sorry po,,tga pinas ako,,
ReplyDeleteJustice for santillan
ReplyDeleteAng mga abusadong pulis ay dapat ikulong at mapaalis sa pwesto ganun din sa mga abusadong opisyal government
ReplyDeleteSo true!It is really unfair for Richard,everyone is quiet...but still,I believe justice will be serve.All the evidence is there...shouting overkill.I will be very happy if those generals and his scalawag policemen will be punish and go down to the bottom.
ReplyDeletebatas pinas,butas-butas !
ReplyDeleteso unfair!!! dahil ba maraming masasagasaan?
ReplyDeletejustice for red santillan !!!
halos lhat ng politiko may pkinabang sa dayaan kaya wlng iimik sa knila...mga animal tlga....justice for red santillan..
ReplyDelete