Tuesday, November 22, 2016

SIMULA NA, ‘DAYAN TELEDRAMA’ NI DE LIMA!

Nov. 22, 2016
SIMULA NA, ‘DAYAN TELEDRAMA’ NI DE LIMA!

Umpisa na ng ‘teledrama’ ni Leila de Lima bunga ng pagkakaaresto ni Ronnie Dayan!

In stories in abs-cbnnews.com and gmanews.tv, De Lima said: "Sa pagkakaaresto kay Ronnie Dayan, umaasa ako sa tamang pagtrato sa kanya ng mga kinauukulan. Ganoon na rin ang panawagan ko sa Pangulo (Duterte) para sa iba pang mga tetestigo laban sa akin katulad ni Kerwin Espinosa. "

At bakit hindi naman hindi tatratuhin ng maayos? HUWAG NATING KALIMUTAN, mga kababayan, POSIBLENG TESTIGO siina Dayan at Kerwin. HINDI BOBO sina Pangulong Duterte, PNP chief Bato dela Rosa at iba pang opisyal ng pamahalaan para hindi maisip na hindi tetestigo ang sinuman na hindi nila tatratuhin ng maganda. Kung mayoon mang tatrato ng hindi tama kina Dayan at Kerwin, iyun ay ang mga posibleng ITURO NILA na may kinalaman sa negosyo ng illegal na droga.

Sinabi pa ni De Lima: "Sa pangunguna ni Pangulong Duterte, pilit ding inuungkat ang inamin kong naging relasyon kay Ronnie Dayan upang paniwalain ang publiko na naging bagman ko raw siya."  

Natural na ungkatin dahil unang una, ILEGAL ang naging relasyon. Pangalawa, kaliangang malaman kung gaano kalalim ang naging relasyon para masukat kung hanggang saan o hanggang anong bagay mo pinagkatiwalaan si Dayan,  Ayaw mo palang mahalukay ang naging relasyon ninyo ni Dayan, bakit inamin mo pa?

Dagdag pa ni De Lima: "Ako naman talaga ang habol ninyo. Huwag na ninyo silang pahirapan pa, mga kriminal man sila o hindi. Huwag na rin sana ninyong gawing drama pa ang paninira sa akin. Isampa na lamang ninyo ang mga kaso sa husgado at doon ko na kayo haharapin,"

Sa mga hindi pa nakakabasa, may storya sa gmanews.tv kanina na ayon kay Sen. Manny Pacquao, idinawit na ni Kerwin si De Lima sa illegal na droga. Kaya walang dahilan para pahirapan pa ninuman si Kerwin para ituro lamang si De Lima. Si Dayan naman ay ilang ulit na itiinuro sa naging imbestigasyon sa House of Representatives na siyang kumolekta o tumanggap ng protection money mula sa mga drug lords para kay De Lima. Kaya hindi na siya kalangang pahirapan pa para piliting gawin ang anuman, sa dami ng testigo laban sa kaniya at kay De Lima. At si De Lima ang GINAGAWANG DRAMA ang mga nangyayari sa kaniya, hindi ang sinuman. Siya itong ILANG BESES nang umiyak sa mga naging pagharap niya sa media. Siya itong ilang beses nabalitang nagpunta sa iba-ibang eskwelahan para magsalita sa mga isyu laban sa kaniya. Siya ang nakunan ng litratong nakaluhod at nagdadasal sa loob ng simbahan.  Siya ang minsan ay nabalita na pati sa loob ng simbahan ay nagkuwento ng mga nangyayari sa kaniya. Di ko lang matandaan kung bago o pagkatapos siya ng misa nagsalita.\


Sumagot na ang gustong sumagot.30

No comments:

Post a Comment