Thursday, November 24, 2016

SA MGA SASALI SA ANTI-FM RALLY

Nov. 25, 2016
SA MGA SASALI SA ANTI-FM RALLY…

Sa mga sasali sa anti-Marcos burial rally ngayon, lalo pa sa mga kabataan:

Siguraduhin ninyo na HINDI KAYO IIWAN ng mga lider or recruiter ninyo kung sakaling magkakagulo Tiyaki ninyo sa kanila na kun g sakali, kasama nila kayog makikipagtulakan o sapakan sa mga pulis pag nagkataon,. At HINDI SILA MAGLALAHO NA PARANG BULA at bahala na kayo sa buhay ninyo.

Siguruhin rin ninyo na ipagagamot kayo, o bibigyan kayo ng pambayad sa doctor o sa ospital, kapag masasaktan o masusugatan kayo. Kung maaaresto naman kayo ay tiyakin ninyo sa kanila na sila ang magbabayad ng piyansa ninyo at iba pang gastusin. At hindi iyong mga nanat at tatay ninyo ang mapeperhwisyo at magagastusan, sa pagsunon ninyo sa kanila. At kapag sumigaw o inutusan kayo ng mga lider ninyo ng sugod, sabihin ninyong mauna sila at susnod kayo. Para siguradong hindi kayo iiwan sa ere at ligtas sila, habang nasasaktan na kayo sa gulo.

Panghuli, tiyakin muna ninyo sa mga lider o recruiter ninyo na kaya nilang sagutin kjung sakalai mang magkakjaproblema kayo sa eskuwela, o sa trabaho, dahil sa pagsali ninyo sa rally.


Kung ang sasagot ng mga lider o recrtuiter ninyo ng ‘hindi’ sa kahit isa sa mga tanong na ito, siguro naman ay simbilis ng kidlat ninyong MAUUNAWAAN NA GAGAMITIN lamang nila kayo pa sa SARILING INTERES nila.  At hindi naman saiguro  ninyo iapgpapalit ang oras, abala at kauinting panggastosa ng mga magulang ninyo kung sakali kesa kanila.30 

No comments:

Post a Comment