Nov. 16, 2016
WALANG LUSOT SI ROBREDO PAG MAY DAYAAN!
May isang kabataang reader na nagtanong:
Paano daw kung halimbawa ay may mapatunayang dayaan sa protesta ni Bongbong
Marcos pero walang makikitang ebidensiya na alam, pinayagan o iniutos ito ni
Leni Robredo? Kahit hindi ako abugado ay nangahaas akong sumagot ng ganito:
ANUMANG BOTO na nakuha ni Leni na mapapatunayang
resulta o galling sa anomalya o pandaraya, ang mga ito ay BABALE-WALAIN at
IBABAWAS sa kabuuang total ng mga boto niya. Anuman ang magaging pinal na resulta ang
siyang magiging batayan kung sino ang tunay na nanalo bilang bise-presidente.
HINDI porke hindi alam o pinayagan kuno ni
Leni ang mga maanomalyang boto ay
ituturing pa rin itong balido at kasama sa kabbuang bilang ng kaniyang boto.
Anumang resulta o galing sa pandaraya ay illegal at bale-wala. Maging snupamanm ang makikinabang.
Humigit-kumulang sa 20,000 pahina at piraso
ng ebidensiya ng pandaraya ang kasama nang isumite ni Bongbong sa Korte Suprema
ang kaniyang protesta laban kay Leni. Wala pang nababalitang nakapaghain si Leni ng ganoong karaming pruweba, o kahit
kalahati o 10 porsiyento (2,000) nito laban kay Bongbong. Itama ako ninuman
kung mali ako. 30
No comments:
Post a Comment