Tuesday, November 1, 2016

ITO ANG NAKAKATAKOT SA BONGBONG PROTEST…

Nov. 2, 2016
ITO ANG NAKAKATAKOT SA BONGBONG PROTEST…

Ito ang pinaka-NAKAKATAKOT sa protesta ni Bongbong Marcos laban kay Leni Robredo: Ang MANALO si Leni dahil sa KAKULANGAN KUNO ng sapat na ebidensiya. Kakulangan na resulta ng MALAYANG PAGTATAGO O PAGWASAK sa mga ito,

Isipin ninyo ito mga lkababayan: HANGGANG NGAYON, HINDI INOOBLIGA ang Comelec na IPAKITA AT IPAEKSAMIN na sa mga eksperto sa pribadog sektor ang HINDI AWTORISADONG PAGBABAGO  na ginawa ng Smartmatic sa script ng transparency server ng Comelec noong gabi nghalalan. Kahit na HINDI PA APROBADO ng Korte Suprema, na umaaktong Presidential Electoral Tribunal (P.E.T)  ay sinimulan nang isoli ng Comelec ang halos 1,300 vote counting machines (VCM) na hindi ginamit kuno noong eleksiyon. Pero nakita nang ang SD cards ng mahigit sa 100 VCM ay MAY LAMAN NANG DATOS.

Dahil sa WALA pa ting hold-departure order (HDO) sa mga taga-Smartmatic, MALAYA PA RING MAKAKATAKAS ang sinuman sa kanilang  kasama sa kasong isinampa na ng kampo ni Bongbopng sa Manila Prosecutor’s Office.  May NAUNA NANG TUMAKAS ilang buwan na ang nakakaraan pero wala pa ring nababalitang humingi na ng HDO ang Comelec o naglabas na ng HDO ang P.E.T o ang alinmang husgado.

INAMIN na ng Smartmatic na GUMAMIT SILA NG SECRET SERVERS noong halalan at kahit sa Comelec ay HINDI NILA IPINAALAM ITO. Pero hanggang ngayon, walang nababalitang PINARUSAHAN O PINAGPALIWANAG man lamang ng Comelec ang Smartmatic. At higiit sa lahat, WALA pa ring nababalita kung kailan sisimulan ang pagdinig sa protesta ni Bongbong.  Kaya’t WALA PANG HANGGANAN ang sinuman na may kakayahan na GAWIN ANG GUSTO NIYA, O NG AMO NIYA, sa mga karagdagang ebidenisya na HINDI DAPAT KONTROLADO INUMAN.

Kapag nangyari ang ganitong kawalanghyaan, mga kababayan, kayo na ang magsabi kuing ano ang dapat nating gawin.30






No comments:

Post a Comment