Saturday, November 5, 2016

THE ROLANDO ESPINOSA SLAY Part 2

Nov. 6, 2016
THE ROLANDO ESPINOSA SLAY Part 2

Mas lalo nang lumalim ang pagkakapatay kay Mayor Rolando Espinosa sa loob ng kaniyang selda sa sub-provincial jail sa kaniyang bayan sa Albuera, Leyte kahapon ng umaga matapos umanong manlaban sa mga tauhan ng PNP-CIDG na nagtangkang magserve ng search warrant sa kaniya.

Ayon sa latest reports, itinuro na ng jail warden ang mtga taga-CIDG na siyang kumuha ng hard drive nung CCTV. Kaya ang agad na tanong, kung tutoo man: BAKIT PUMAYAG ang mga nasa jail? Teritoryo nila iyun, hindi ng CIDG. Ang mga jail officials ang dapat masusunod doon, hindi ang mga taga-CIDG. Imposible din namang walang armas ang mga naka-duty noon na guwardiya at opisyal kaya hindi naman siguro sila natakot sa mga taga-CIDG. 

Kung talagang kinuha ng mga taga-CIDG yung hard drive, paano nila nalaman kung nasaan ito? Ang mga naka-duty lamang sa jail ang nakakaalam noon dahil nga hindi naman teritoryo ng CIDG ang lugat. May nagturo ba sa mga taga-jail? Tinangka man lang ba nilang manlaban sa mga taga-CIDG nang kunin iyung hard drive?

At heto ang mas matindi: ASSUMING, WITHOUT ADMITTING, na nanlaban nga si Espinosa, ANO ANG GINAWA ng mga taga-jail? Tinangka man lang ba nilang umawat? Kung oo ay ano ang nangyari? Kung hindi ay bakit? Wala ring malinaw pa kug nasaan ang mga taga-jail nang nagkakaputukan na. Higit sa lahat, maaari rin naman sanag hinintay ng mga taga-CIDG na maubusan ng bala si Espinosa saka nila hinagisan ng tear gas saka dinampot. Bakit hindi nila ginawa?

MALALIM ANG KASONG ITO, mga kababayan. Walang kukurap. 30






No comments:

Post a Comment