Nov. 5, 2016
THE ROLANDO ESPINOSA SLAY Part 1
Bago MAGPAPANSIN na naman ang mga human
rights championns kuno at agad na akusahn ang mga pulis ng kung ano-ano sa
pagkakapatay kay Mayor Rolando Espinosa, Isipin muna nating lahat ito:
Una: Hindi agad nakapasok ang mga taga-PNP/CIDG
sa bilangguan. Ayon sa mga taga kulungan, walang dalang search warrang ang mga
taga-CIDG. Ang panig naman ng mga taga-CIDG ay may dala silang warrant pero ayaw
pansinin ng mga taga-kulungan. Ngayon isipin ninyo, mga kababayan: IMPOSIBLENG
HINDI ALAM ng mga taga-CIDG hindi sila basta-basta papapasukin saan mang selda sa
buong bansa ng wala silang dalang waarant. Lalo pa at opisyal ang team leader ng mga
taga-CIDG, isang chief inspector o katumbas ng major sa militar. Isa pa, alam din ng mga taga-CIDG na tulad
nila ay ARMADO ang mga guwardiya sa bilangguan ay hindi nila iyon teritoryo. Pero
hindi sila umnalis. Kayat’ napakahirap paniwalaan na walang dalang search
warrant ang mga taga-CIDG.
Pangalawa: Hanggang sa sinusulat ko ito, ang
nasa balita ay NAWAWALA ang hard drive ng CCTV sa kulungan na maaaring
nagtataglay ng footage ng kung ano ang tuynay na nanagyari hanggang sa mapatay
si Espinosa. Yung CCTV ay sa bilangguan, hindi sa mga taga-CIDG. Kaya, ang mga
guwardiya o opisyal ang nakakaalam kung nasaan iyon. WALA pa namang nababalita
hanggang sa mga oras na ito inakusahan na ng mga guwartdiya ng sapilitang
pagkuha niyon ng mga taga-CIDG. Iyon nga
dapatang naunang iningatan ng mga guwardiya at opisyal ng kulungan. Kung
may ginawa mang kalokohan ang mga
taga-CIDG ay mas lalong dapat ilabas agad iyon ng mga traga-kulungan
Pangatlo: Posibleng testigo si Espinosa laban
sa mga personalidad na sinabi na niya noon na sangkoy sa illegal na droga. Kaya’t
mas gugustuhin ng pulisya na BUHAY SIYA kesa patay.
HINDI KO KINAKAMPiIHAN ang mga taga-CIDG.
WALA AKONG KINAKAMPIHAN. May mga tanong din ako sa kanila mamya sa Part 2
nito.30
No comments:
Post a Comment