Tuesday, November 8, 2016

PAG KAY NOYNOY BULAG, PIPI AT BINGI KAYO!

Nov. 9, 2016
PAG KAY NOYNOY BULAG, PIPI AT BINGI KAYO!

Sa mga walang tigil sa KADADALDAL laban sa desisyon ng Supreme Court (SC): Mga pangaabuso noong Martial L:aw ang inuulit-ulit ninyo. Pero sa mga pangaabso at KAWALNGHIYAAN nonng temino ni Noynoy Aquino BULAG, PIPI AT BINGI KAYO.  Kaya’t kung hindi kayo isang tambak na mga IPOKRTO, ano ang dahilan? DAHIL KUMIKITA KAYO?

Hanggang ngayon, WALANG MAKAPAGPALIWANAG o makapagpakita ng DETALYADONG KUWENTA kahit isa sa mga tao ni Noynoy kung SAAN NAPUNTA ang BILYUN-BILYONG PONDO AT DONASYON para sa mga biktima ng bagyong ‘Yolanda.’ Kamakailan lamang, lumabas sa national media na hjalos 200,000 sa mga biktima ang wala pang tirahan hanggang ngayon. Pero kahit na sno sa inyo, WALANG UMAANGAL O UMAATAKE kay Noynoy o sinuman sa mga tao niya, kahit HALOS TATLONG TAON na ang nakalipas matapos ang ‘Yolanda.’

Mahigit isang taon pa bago matapos ang Aquino Administration nang mangyari ang SAF 44 massacre.  Pero ilang linggo na lamang bago bumaba si Noynoy sa puwesto nang gumalaw ang kaso. MAHIGIT ISANG TAON na walang ginawa ang Aquino Government para maaresto ang mga killer, kahit na nalaman na agad na ilan sa mga ito ay miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).  Pero ni isang salita ng pagkondena sa Aquino Government, o simpatiya sa mga naulila, WALANG NABALITA mula kaninuman sa inyo.

Ayon sa isang ulat saa inq uirer.net ilang buwan na ang nakakaraan, inihayag ng Freedom from Debt Coalityion na sa umutang ang gobyerno ni Noynoy ng P4.16 TRILYON, sa loob lamang ng anim na taon niyang termino. Pero hanggang sa bumaba siya sa puwesto, laganap pa rin ang kahirapan at NI ISA SAI INYO WALANG UMATAKE o humingi ng paliwanag kay Noynnoy kung saan napunta ang perang ito.

Mahaba pa ang listahan. Kaya kung hindi lang kayo PAPAREHAS, at kung sariling kagustuhan o interes lamang ang habol ninyo at hindi ang sa sambayanan tulad ng gusto ninyong palabasin, MAHIYA naman kayo kahit kaunti kung bibingihin ninyo ang taumbayan  At for the recvprd, HINDI KO SINASABI, AT HINDI KO SASABIHN KAILANMAN, NA INOSENTE si FM . HUKUMAN LAMANG ang puwedeng magsabi kung guilty o inosente si FM. HINDI KAYO, O AKO.30


 











No comments:

Post a Comment