Friday, November 4, 2016

SI BONGBONG, MAY EBIDENSIYA, SI LENI MERON?

Nov. 4, 2016
SI BONGBONG, MAY EBIDENSIYA, SI LENI MERON?

Heto pa ang isang dahilan, mga kababayan, kung bakit mas lalo nating dapat BANTAYANG MABUTI ang protesta ni Bongbong Marcos laban kay Leni Robredo sa Korte Suprema, na umaaktong Presidential Electoral Tribunal (P.E.T): Hanggang ngayon, WALA O HALOS WALA pang nababalitang EBIDENSIYA na magpapatunay na MALINIS ang kaniyang panalo bilang bise-presidente ng bansa. O kaya ay may ginawang pandaraya o anomalya si Bongbong noong eleksiyon. Itama ako ninuman kung mali ako.

Halos apat na buwan na ang nakakaraan nang isumite ni Bongbong ang humigit-kumullang sa 20,000 pahina at piraso ng ebidensiya niya na dinaya siya noong halalan.  Si Leni, wala man lang nabalita kahit na 200 o 2,000 piraso lamang.  LATE PA nga siya sa pagsusumite ng kaniyang sagot sa protesta ni Bongbong sa P.E.T. Sa pang-kalahatan,           PURO SALITA, PURO DENIAL lamang si Leni. Walang anumang pisikal na pruweba na magpapatunay na sinungaling si Bongbong.

WALA ring naipapakitang pruweba si Leni hanggang ngayon ng anumang kwestyonableng ginawa ni Bongbong o ng kampo niya, tulad ng paggamit ng mga secret servers o pakikialam sa anumang server na PAREHONG INAMIN NG SMARTMATIC na ginawa nila.

Wala siyang alam. Hindi niya alam o wala siyang kinalaman. Ito lamang ang takbo ng linya ng depensa ni Leni. At higit sa lahat HUWAG nating kalimutan, mga kababayan: KAHIT KAILAN, HINDI nag-number one si Leni sa mga survey bago mageleksiyon. HALOS WALA ring nabalitang malalaking grupo noon na sumuporta kay Leni, di tulad ni Bongbng na suportado ng Iglesia ni Cristo at iba pa.


Pero humigit-kumulang sa isang linggo bago ang botohan, biglang number one na kuno si Leni sa surveys.  At tinitiyak na niya ang kaniyang panalo.  Magisip tayong mabuti, mga kababayan.30   

No comments:

Post a Comment