Friday, November 4, 2016

KUNG HINDI DRUG MONEY ANG GINASTOS NI DE LIMA…

Nov.  5, 2016
KUNG HINDI DRUG MONEY ANG GINASTOS NI DE LIMA…

Kung talagang hindi galling sa pinagbentahan ng illegal na droga ang ginastos ni Leila de Lima sa kaniyang kampanya paRa maging senador, may simnpleng paraan para mapatunayan niya ito.

ILABAS NIYA SA PUBLIKO. sa pamamagitan ng national at social media, ang listahan ng mga nagdonasyon at magkano ang ibinigay ng bawat isa.  Ilabas din ni De Lima ang  LAHAT ng detalye ng mga nagastos niya noong kampanya. Para ang  mga KRITIKO niya, at ang buong Sambayanan na ang makapagtanong sa mga kikilalanin niyang contributor at makapagsisiyasat kung tutoo ang kaniyang mga idedeklara. Tulad ng madalas kong sabihin, kung WALANG DAPAT KATAKUTAN, WALANG DAPAT ITAGO.

Ito na ang PINAKAMABILIS NA PARAAN para mapatunayan ni De Lima ang sinasabi niyang kasinungalingan ang deklarasyon ng ilang preso sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa na tumanggap siya sa mga ito ng benta mula sa illegal na droga para panggsastos niya sa kampanya. Tutal, maliban sa PURO SALITA  NIYA AY WALA namang inilalabas na ebidensiya hanggang ngayon si De Lima na wala siyang nagawang kasalanan. I

Isa pa, sa ilalim ng batas, lahat ng kumandidato tuwing may eleksiyon ay OBLIGADONG MAGSUMITE ng deklarasyon ng kanilang mga natanggap na contribution at mga nagastos. Siguro naman ay nagawa na ito ni De Lima kaya’t hindi na dapat maging problema para kay De Lima na isapubliko ito, at nang MAGKAALAMAN NA once and for all.

Kung tatanggi pa rtin si De Lima, huwag kalimutan ng mga tao  niyang magpaalala na HINDI SIYA DIYOS na salita lamang ay sapat na para paniwalaan agad ninuman ng walang alinlangan. 30


No comments:

Post a Comment