Nov. 15, 2016
DE LIMA NILAGLAG NA SI DAYAN
A story in abs-cbnnews.com says Leila de Lima
has admitted to having an affair with her former driver, Ronnie Dayan. Sa PAGAMIN
ni De Lima, NILAGLAG NA NIYA si Dayan lalo pa niyang BINAON ang sarili niya.
Mas may BASEHAN na ngayon ang alegasyon ng
mga drug lord sa New Bilibid Prison at iba pang tao na si Dayan ang kumokolekta
o tumatanggap ng protection money mula sa kanila para kay De Lima. ASSUMING, WITHOUT
ADMITTING, na tutoo ang alegasyon, hindi ito magiging imposible dahil nga
KA-RELASYON NIYA si De Lima kaya’t natural na siya lamang ang pagtitiwalaan
nito ng ganung kaselan na bagay.
And get this, people De Lima added that Dayan
collecting drug money in her name without her permission is "within the
realm of possibilities." Meaning, she cannot be 100 percent sure that
Dayan is clean. If she herself can’t be 100 percent sure, WHO ELSE could
possibly CLEAR Dayan?
Ronnie Dayan, MAGISIP-ISIP KA NA, brod. INIWAN
ka na ni De Lima sa ere. Siya lamang sana ang PINAKAMABILIS AT PINAKA-EPEKTIBO
NA MAKAPAGPAPATUNAY na wala kang ginagawang masama pero sa halip, sinabi pa
ngayon na kasama rin sa mga posibilidad na kumuha ka ng pera sa drug lords ng
hindi niya alam. Intindihin moa ng sarili mo.
Kay De Lima naman kung nagawa niyang iipitin
ang klatotohanan tungkol sa kanila ni Dayan sa nakaraang ilang buwan na
pagkakasangkot nito sa iulegal na droga sa Bilibid, lalong WALA na tayong
garantiya na wala na siyang inililihm pa tungkol sa naturang kontrobersiya.
Huwag tayong makalimot, WALANG nilalabas na ebidensiya hanggang ngayon si De
Lima na wala siyang kwestryonableng yaman, at WALA siyang kinoimpronta kahit
isa sa mga nagakusa laban sa kaniya. 30
No comments:
Post a Comment