Bongbong Marcos protest supervising justice
Alfredo Benjamin Caguioa should COME OUT with the recount results for Camarines
Sur (CamSur) at ONCE.
TAPOS na ang bilangan. At NADAGDAGAN na naman
ang pruweba ng DAYAAN sa CamSur, ang ibinulgar ni Glenn Chong na vote counting machine
(VCM) transmission para sa bayan ng Ragay ISANG ARAW BAGO ANG AKTWAL NA BOTOHAN
noong 2016.
Kaya’t bago malimutan ninuman sa sambayanan
ang nabisto sa Ragay, DAPAT NANG MALAMAN NG SAMBAYANAN ang resulta ng recount.
Kung WALANG GUSTONG ITAGONG KATARANTADUHAN sa CamSur si Caguioa, o kung WALA
SIYANG GUSTONG PROTEKTAHAN, WALANG MATINONG DAHILAN para patuloy niyang ILIHIM
ang resulta sa taumabayan.
Tulad ng nasabi ko na sa isang dati kong
blog, WALA namang bansang gigiyera sa atin kung malalaman ng taumbayan ang
KATOTOHANAN sa CamSur. Hindi rin
MAGKAKA-civil war. Lalong walang anumang banta mula’t sapul mula kaninuman na
may mangyayaring masama kung ilalabas na
ang resulta.
Ang mga MANDARAYA LAMANG ang patuloy na
MAKIKINABANG sa patuloy na news blackout sa resulta ng recount sa CamSur. Dahil
nasa kanila ang LAHAT NG ORAS AT PAGKAKATAON na BAGUHIN O NAKAWIN o gawin ang
anuman sa mga ebidensiya ng dayaan na nadiskubre na. Nang HINDI NA NATIN
MALAMAMAN.
Ngayon mo PATUNAYAN, Mr Caguioa, na sa taumbayan ka at hindi para
kaninuman. 30
Pinaninindigan na ni BIAScaguioa ang kapal ng pagmumukha niya.I really wonder kung may konsensiya pa yan at kung nakakatulog pa ng maayos 😈
ReplyDelete