Saturday, May 11, 2019

IF GLENN LOSES, CHEATERS WIN…FOREVER!


If Glenn Chong loses, CHEATERS WILL WIN. Not just win but REIGN…FOREVER. With no one else to stop them.

Aminin man o hindi, tanggapin man o hindi ng mga kritiko niya, si Glenn LAMANG ang TUNAY NA LUMABAN, NG HARAPAN AT WALANG TIGIL, sa dayaan sa halalan, lalo pa noong 2016 election, kumpara sa LAHAT ng mga kandidato rin  para sa senador.

Kahit WALANG TUMULONG sa kaniyang pulitiko kahit isa, kahit walang tigil ang NEWS BLACKOUT laban sa kaniya sa mainstream o national media, HINDI TINIGILAN ni Glenn ang paghahanap ng pisikal na ebidensya ng dayaan at ang pagbubulgar ng mga ito sa publiko.

Pinatay ng parang hayop ang kaniyang bodyguard/aide na si Richard Santillan pero HINDI NATAKOT si Glenn. Kahit na nananatiling UNTOUCHABLE ang mga suspected killer at ang mga boss ng mga ito sa PNP. Patuloy pa ring nakatutok at nagbubulgar ng mga KAWALANGHIYAAN sa halalan at sa mga kilos ng Comelec at ng Smartmatic.

Kahit WALA isa man sa mga tumatakbong senador ang tumulong at sumuporta sa laban niya kontra sa dayaan.  Kaya kung matatalo si Glenn, WALA tayong maaasahang ibang senador na magpapatuloy sa sinimulan na niya. Kumontra na ang gustong kumontra.

TAYO ang pinaka-AGRABYADO sa dayaan, mga kababayan. Hindi lang pera natin na ginastos sa eleksiyon kundi boto natin na binaboy, winalanghiya.

Kapag natalo si Glenn WALANG MAGREREKLAMO, WALANG AATUNGAL O DADALDAL KAPAG MAS MALALA AT LANTRAN ang dayaang ipapamukha sa atin ng mga demonyo sa 2022.

At for the record, HINDI AKO EMPLEYADO O KAMAGANAK O KAIBIGAN, PERSONAL MAN O SA FACEBOOK, ni Glenn. Puwedeng iverify ng kahit sino, kailanman at kaninuman.
                                                        ***
May bago din po tayong FB page, FREE-FOR-ALL.Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at enter. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30

                                                 





No comments:

Post a Comment