Wednesday, May 29, 2019

UTAK-REBELDE KA TALAGA, HONTIVEROS


Image result for images for risa hontiveros
Talaga palang UTAK-REBELDE itong si Risa Hontiveros.

Mahigpit na tutol sa pagbabalik ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) para sa estudyante sa grades 11 at 12 sa public at private schools. Pero sa  pagrecruit ng mga komunistang New People’s Army (NPA) ng mga kabataan, at ang KASAMAANG NATUTUTUNAN AT KAMATAYANG INAABOT ng mga ito, KAHIT ISANG SALITA WALA siyang sinasabi o sinabi KAHIT KAILAN. MALALA pa siya sa mga BULAG, PIPI AT BINGI na namamalimos sa mga lansangan .

In a story in https://newsinfo.inquirer.net/1124556/mandatory-rotc-for-shs-students-violates-intl-law-hontiveros, Hontiveros said the ROTC revival will violate the Optional Protocol to the United Nations Convention on the Rights of the Child, which the Philippines is a party to. She said under the protocol, those under 18 years old — are not “compulsorily recruited into the armed forces. Most students enrolled in Grades 11 and 12 are 16 to 17 year-olds.”

Inabot ko ang ROTC noong college ako. Kung may mali sa mga sumusunod, itama agad ako ninuman:

Maliwanag sa titulo na TRAINING LAMANG ANG ROTC. HINDI AUTOMATIC na pagkatapos ng ROTC, miyembro na agad ng military ang estudyante. HINDI SIYA SUSUWELDUHAN sa training. HINDI SIYA OFFICER agad pagkatapos niya ng ROTC. At lalong HINDI SIYA BIBIGYAN NG ARMAS.

So how the hell can ROTC be a compulsory recruitment into military service as Hontiveros claims? WHAT DICTIONARY says that training and recruitment are the same? What planet does Hontiveros come from, anyway?

Hontiveros said: “How do we overcome the financial burden of institutionalizing ROTC in all these high schools? How can we assure the public of proper implementation when we can barely sustain our K to 12 program?”

Maliban na lamang kung binago na ang sistema, WALANG MALAKING GASTOS ang gobyerno sa ROTC. Noon, KAMi ang gumastos sa ROTC namin. Kami ang nagpagawa ng uniporme. Kami ang bumili ng combat boots, belt at iba pang gamit namin. HINDI IYON SINAGOT ng gobyerno. Kaya anong financial burden ang hinihirit mo, Hontiveros?

Heto pa hugot ni Hontiveros: “Mandatory militaristic courses don’t have the monopoly of inculcating love of country.”  WALA namang nagsasabi niyan. IKAW LANG. Kaya bakit ba tila NANGANGATOG ka na sa ROTC ngayon pa lamang at kung ano-ano na agad ang reklamo mo? Mga reklamong wala namang utak.
                                                          ***
May bago din po tayong FB page, FREE-FOR-ALL.Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at enter. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30    











No comments:

Post a Comment