Thursday, May 9, 2019

LATEST PANLOLOKO NG MGA MANDARAYA!


Image result for IMAGES FOR PCOS MACHINE
Heto ang bagong PANLOLOKO, at EBIDENSIYA NG DESPERASYON, ng mga mandaraya sa eleksiyon.

May nagkakalat na raw na kung magkakaroon ng dayaan sa eleksiyon, ang Duterte Administration lamang ang may kapasidad Dahil sila ang nasa gobyerno. HUWAG KAYONG PALOKO sa ganito.

Sa overseas absentee voting pa lamang, KABI-KABILA na ang DAYAANG NAGAGANAP. Lahat, pabor sa mga kalaban ng Duterte government. Ilang halimbawa:

Sa Hong Kong, si Glenn Chong ang ibinoto bilang number one senator ng isang babaeng OFW. Pero nang lumabas ang balota mula sa PCOS, napalitan ang Chong ng AlejaNO. Nagviral pa ang video at humarap sa camera ang OFW.

May mga pre-shaded ballots na para sa mga kandidato ng Otso Diretso na nadiskubre. Depensa ng Comelec ay hindi daw official ang mga balota at hindi naman daw babasahin ng PCOS dahil iba ang ink na ginamit. Pero ito ang punto:  

WALANG ANUMANG DAPAT NA NAKALAGAY sa tabi ng pangalan ng kandidato sa balota habang wala pang botohan.  At Comelec lamang ang may hawak at control ng mga balota.

MALIWANAG na gustong ikondisyon ng mga mandarasya ang utak nating sambayanan na kung masy mabibistong dayaan sa eleksiyon, ang Duterte government lamang ang dapat  managot.  Pero nakikita na natin ang KABALIGTARAN, mga kababayan, NGAYON PA LAMANG.

WALANG MAGPAPALOKO!
                                                      ***
May bago din po tayong FB page, FREE-FOR-ALL.Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at enter. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30



No comments:

Post a Comment