Wednesday, May 15, 2019

POPULARITY/14M VOTES NI LENI, KALOKOHAN


Image result for images for leni robredo
Pinatunayan ng massacre ng Otso Diretso sa eleksiyon na malaking KALOKOHAN ang sinasabing patuloy na popularidad ni Leni Robredo at ang 14 milyong bumoto sa kaniya kuno noong 2016 elections.

Kung talagang mahal siya ng majority o nakararami sa sambayanan tulad ng PINAGPIPILITAN NIYA AT NG SURVEYS, dapat ay pasok na agad ang lahat ng Otso Diretso sa  simula pa lamang ng bilangan. Dapat ay nasa kanila na ang 14 milyong  boto kuno ni Robredo.

Pero patapos na ang tally, WALA  pa ring nakakapasok ni Isa. Maging si Bam Aquino na  tanging pagasa na lang sana ay nasa NO. 14 pa at halos 352,000 votes pa ang layo sa No. 12  na si Nancy Binay hanggang sa sinusulat ko ang blog na  ito.

PERSONAL pang kinampanya ni Robredo ang  Otso Diretso ng lagay na iyan, mula sa mga rally hanggang sa social media at programa niya sa radio.

Kaya ang pinakita ng kahihiyang inabot ng  Otso Diretso ay HINDI POPULARIDAD ni Robredo kundi ang katotohanang ISINUSUKA na siya NG MAJORITY  NG SAMBAYANAN. Dahil sa kaniya, pati mga kandidato niya DINAMAY NA! Sa halip na panalo, LAMPASO TODO ang inabot ng Otso Diretso.

Kumontra na ang kokontra.

To SWS and Pulse Asia, HOW DO YO RECONCILE THIS now with your surveys?
                                                 ***
May bago din po tayong FB page, FREE-FOR-ALL.Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at enter. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30




No comments:

Post a Comment