Monday, May 6, 2019

PAHAYAG NI BIKOY, TADTAD NG BUTAS!



A certain Peter Joemel Advincula was introduced in a press conference at the Integrated Bar of the Philippines (IBP) earlier today as ‘Bikoy’ of the INFAMOUS “Ang Totoong Narco List’  video (https://news.abs-cbn.com/news/05/06/19/bikoy-surfaces-seeks-legal-assistance).

At maliban sa daldal, WALANG ANUMANG EBIDENSIYA na pinakita si ‘Bikoy’. At MASAHOL PA SA BUWAN ANG DAMI NG BUTAS at tanong na dala ng kaniyang testimonya.

‘Bikoy’ said: "Andito ako ngayon sa tanggapan ng Integrated Bar of the Philippines upang humingi ng legal assistance.’

ANG TAMANG OPISINA para sa mga mahihirap na kailangan ng legal assistance ay ang Public Attorney’s Office (PAO). Kahit ordinaryong tao ay alam yan. Kaya bakit siya sa IBP nagpunta? SINO ang nagdala o nagturo sa kaniya doon? SINO ang nagsetup  ng press conference para sa kaniya at BAKIT HINDI siya itinuro o sinamahan ng IBP sa PAO? At SINO ang nagsulat ng press statement niya?

Nagtago si ‘Bikoy’ matapos ang ika-apat (o ika-lima) niyang video. Nang WALA siyang anumang beripikadong ebidensiya na pinakita. SINO ANG GUMASTOS O NAGBIGAY NG PANGGASTOS AT NAGTAGO sa kaniya? At ano ang kapalit? KATARANTADUHAN kung sasabihin niyang WALA siyang naging financier. Dahil ang paghingi niya ng legal assistance sa IBP ay ebidensiya na WALA SIYANG PERA, O WALA SIYANG PERANG MALAKI.

‘Bikoy’ said he has no links to any political party or the LP-backed Otso Diretso candidates.

Pero HINDI RIN NIYA SINABI ang mga sumusunod: Bakit siya biglang nagtago, lalo pa nang ipaklita ni Bong ang likod niya sa PUBLIKO; SINO ANG NAGSULAT ng mga pinagsasabi niya sa videos niya; SINO O SINO-SINO ANG GUMASTOS PARA AT NAGHANDA ng  videos niya; ANO ang kapalit nito para sa kaniya, at sa nagproduce o mga producer nito at kalian at saan shinoot ang videos.

More to come, people.
                                                ***
May bago din po tayong FB page, FREE-FOR-ALL. Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at enter. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30

No comments:

Post a Comment