Sunday, May 12, 2019

YARI ANG BOTO NATIN DITO!


Image result for images for pcos machine

In a story in https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/694183/comelec-manual-counting-of-votes-not-an-option-in-case-of-malfunctioning-vcms/story/?just_in,  Comelec spokesperson James Jimenez said manual counting of votes is not an option in case a vote counting machine (PCOS) malfunctions. “Hindi tayo babalik sa manual counting. Hihintayin po nating mapalitan ang makina.”

Una: MAS SAFE AT MAS ACCURATE kung tutuusin ang manual counting. BAKIT AYAW PUMAYAG ng Comelec? Ang pinaka-importante ay MALAMAN AGAD ANG RESULTA sa anumang paraan puwede. Bakit PCOS LAMANG NA PINAGMUMULAN NA NG DAYAAN NGAYON PA LAMANG ANG TANGING KIKILALANIN  pa rin ng Comelec? Samantalang HANGGANG NGAYON NAMAN AY WALANG inaaksiyunan o napaparusahan  sa mga dayaang nabulgar at napatunayan na noong 2016.

Pangalawa: WALA tayong garantiya, mga kababayan, na WALA PANG LAMANG BOTO KUNO ang ipapalit na machine. Tandaan ninyo, napatunayan ni Glenn Chong na noong 2016, ISANG ARAW PA BAGO ANG BOTOHAN ay may mga RESULTA NA KUNO NA PINADALA sa Ragay sa Camarines Sur at sa iba pang lugar.

Pangatlo: Mula sa pagkukunan ng replacement machine hanggang sa makarating ito sa destinasyon, LALO PA KUNG MALAYO, ay maraming paraan ng pandaraya na maaaring gawin habang nasa biyahe. Tulad ng PAGBUBUKAS AT PAKIKIALAM sa replacement machine o pagpapalit nito ng iba pa.

BANTAYAN NINYONG MABUTI  ang mga balota ninyo, mga kababayan, at ang PCOS sa mga lugar ninyo  Gusto tayong WALANGHIYAIN to the max. Kapag may nakita kayong hindi tama, SITAHIN ninyo agad ang mga inspector at IVIDEO AT IKALAT AGAD SA SOCIAL MEDIA.
                                                       ***
May bago din po tayong FB page, FREE-FOR-ALL.Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at enter. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30

2 comments:

  1. Kung ganyan ang mangyayari. Malaki po ba ang possibilidad na mag deklara ng "failire of elections" po ba si Pangulong Duterte? (Ginagago tayo hangang sa huli talaga ng sindikatong ComeLEAK at SmartMAGIC na iyan. Kahit binigyan na sila ng babala ni Pangulo. Masyado mabait sa kanila si Pangulo.)

    At maituloy ang Revolutionary government na hinudyok niya?

    ReplyDelete