Wednesday, May 1, 2019

COMELEC ALIBI SA PRE-SHADED BALLOT, BUTAS-BUTAS!


Image result for images for comelec executive director jose tolentino
In a story in https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/693075/comelec-exec-debunks-online-video-of-preshaded-ballot/story/, Commission on Elections (Comelec) Executive Director Jose Tolentino assured voters that official ballots have not been pre-shaded with UV or ultraviolet marks, following a video showing a pre-shaded ballot for certain candidates. He added that the pre-shaded ballot in the video was not official.

BUTAS-BUTAS ANG PALUSOT NA ITO! Natural na ide-deny ng Comelec.

Pero heto ang punto: COMELEC LAMANG ANG MAY HAWAK, AT CONTROL, sa lahat ng mga balota. Kaya WALANG IBANG PANGGAGALINGAN ang balota sa video. Walang paliwanag o palagay na  binigay si Tolentino kung paano napunta iyong pre-shaded ballot sa kamay ng nag-upload ng video.

Kung hindi official yung pre-shaded ballot, BAKIT MAYROON NITO? At GAANO KARAMI pa ang mga ito? Huwag nating kalimutan, mga kababayan, milyun-milyon ang extrang balota na pinaimprenta ng Comelec. At hanggang ngayon, WALANG ANUMANG DETALYE na binibigay ang Comelec tugkol sa mga ito.

Tolentino also said no UV marks were placed on any oval on the official ballots. Even if there were, the ballots will not be read by the PCOS machine.

Puwes, BAKIT MAYROONG SQUARE sa tabi ng pangalan ni Leni Robredo sa ilang mga balota  na nadiskubre ng kampo ni Bongbong Marcos? Hindi nireject ng PCOS ang mga iyon at nasama sa mga botong binilang para kay Robredo.

Kung hindi maipapaliwanag ng Comelec ang mga ito humanda na tayo, mga kababayan, sa WALANG KASING-LAWAK NA DAYAAN sa history ng ating bansa.
                                              ***           
May bago po tayong FB page, FREE-FOR-ALL. Silipin po ninyo sana at bigyan ng pagkakaton. Itype lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at ienter. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. LIbre ho ang magclick. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30


No comments:

Post a Comment