Kahapon pa nasa national media na magsasagawa
AGAD ng imbestigasyon si Joint Congressional Oversight Committee (JCOC)
co-chairman Koko Pimentel tungkol sa pitong oras na delay sa transmission ng Comelec
transparency server at iba pang isyu noong eleksiyon.
DAYAAN 2016 muna ang tapusin mong imbestigahan,
Pimentel, bago ang kakatapos lang na eleksiyon.
BIGLA MONG ITINIGIL ang imbestigasyon, WALA
nang naging hearing, sa dayaan 2016 hanggang sa magsimula ang kampanya. Kahit
na ang dami nang PISIKAL NA EBIDENSIYA na inilabas sina Bongbong Marcos at Glenn
Chong. Tulad ng mga pekeng resulta ng botohan na pinadala sa Ragay sa Camarines
Sur ISANG ARAW PA bago ang botohan. At mga squares sa tabi ng pangalan ni Leni
Robredo sa balota gayong wala ang mga ito bago bumoto ang botante.
BILYONG PISO na ng pera ng sambayanan ang
NAUUBOS SA TADTAD ng kaduda-dudang bagay sa panunungkulan ni Robredo bilang
bise-presidente. Saan man daanin. HINDI TAMA NA ‘UNLI’ NA MAGDUSA ANG SAMBAYANAN
sa suweldo at mga gastusin ni Robredo nang WALANG 100 PORSIYENTONG KATIYAKAN NA
LEGAL ang panunungkulan niya.
Sa July 1 uupo ang mga nanalo sa eleksiyon
noong Lunes, Pimentel. At TATLONG TAON nang patuloy na NAKABITIN SA HANGIN at
NAGDURUGO ANG BULSA ng sambayanan dahil sa dayaan 2016.
Hindi kailangan ang genius para maintindihan
ling ano ang dapat mong unahing imbestigahan.
***
May bago din po tayong FB page,
FREE-FOR-ALL.Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at enter. At makakatulong po ng malaki para
araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga
advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us
all. 30
Pimentel should not set aside the 2016 election fraud, tapusin na yan ,nagmamasid ang bayan!
ReplyDelete#PROCLAIMBBMTHEREALVP
No need to argue. Pimentel is right.
ReplyDeleteDapat ibigay sa ibang senador Ang jcoc para ipag patuloy Ang imbestigasyon sa dayaan noong 2016 at parusahan Ang mga sangkot dito
ReplyDelete2016 election muna pimentel bago 2019..
ReplyDeleteUnahin imbedtigahan ang 2016 na dayaan. Pagsalitain si Glenn Chong at ang chairman ng IT technician.
ReplyDeleteKapag mahalungkat at maimbistigahan ang dayaan ngayon paniguradong mabuksan ang Kay BBM
ReplyDeleteKailangan na mabuksan ngayon.