Tuesday, May 7, 2019

SUPER DELIKADO KA NA, RODEL JAYME!


Image result for images for rodel jayme
Sa ginawang paglantad at pagpapakilala ng isang lalaki na siya si ‘Bikoy,’ SUPER DELIKADO NA  ANG BUHAY MO, Rodel Jayme.

Ngayon pa lamang ay TADTAD NA NG BUTAS at tanong ang paglamntad ni ‘Bikoy’ KUNO. At nahalukay pa ang kaniyang CRIMINAL RECORDS bilasng isang illegal recruiter at estapador. kaya’t WASAK NA ang kredibilidad nito agad.

Pero ang kredibilidad mo, Rodel, mas LALONG TUMIBAY. Dahil  TAMA ang sinabi mo na ayon sa kumontrata sa iyo para gawin ang metrobalita website mo, may lalabas na ‘Bikoy’  bago mageleksiyon.

Kaya’t ano man ang sabihin mo mula ngayon tungkol sa ‘Bikoy’ videos ay magiging kapani-paniwala na. Kaya’t sinuman ang  maaaring isabit mo ay gagawin na ang lahat ngayon pa lamang para HINDI KA NA MAKAPAGSALITA.

Sa nakikita ko, lumantad kahapon ang ‘Bikoy’ kuno para mawala ang atensiyon ng taumbayan at ng mga awtoridad sa iyo, Rodel. Para kapag wala na o wala nang ganong nakatingin at nakabantay sa iyo, MAS MADALI KA NANG LIKIDAHIN.

Kaya’t uulitin ko ang sinabi ko sa isang nakaraang blog, Rodel: MAGTURO  KA NA, PARA HINDI MADALI ANG BUHAY MO. IYON LAMANG ANG PARAABN para  hindi ka basta-basta galawin ng mga utak sa likod ni’Bikoy.’ Dahil  alam nila na kapag, at God forbid, may masamang mangyari sa iyo bigla, sila ang pagbibintangan.

HUWAG MO NANG HINTAYING MAY MANGYARI muna, Rodel!
                                                    ***
May bago din po tayong FB page, FREE-FOR-ALL.Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at enter. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30



No comments:

Post a Comment