Friday, May 24, 2019

BANTAYAN NATIN SI NOYNOY AQUINO!


Image result for images for noynoy aquino
Bago magkalimutan, mga kababayan, BANTAYAN NATIN SI NOYNOY AQUINO! Baka BIGLANG TUMAKBO iyan palabas ng bansa.

Mula nang isangkot ni Peter Joem ‘Bikoy’ Advincula ang Liberal Party (LP) ni Noynoy sa planong pabagsakin si Pangulong Digong Duterte ilang araw na ang nakalipas, TANGING SI NOYNOY LAMANG ang hindi nagreact. Ang iba pang matatas na lider ng LP tulad nina Leni Robredo, Franklin Drilon at Francis Pangilinan ay nagbigay na ng kani-kaniyang pahayag.

At kung mapapansin ninyo, mga kababayan, mula nang matalo ang lahat ng Otso Diretso sa eleksiyon, WALA nang narinig o nabalitaan kay Noynoy kung nasaan siya.

Huwag na huwag nating kalimutan, mga kababayan, may mga reklamo nang isinampa laban kay Noynoy kaugnay ng Dengvaxia scandal, at sa massacre ng SAF 44 sa Mamasapano. Pero WALA PANG KORTE na naglalabas ng hold departure order laban sa kaniya. Kaya PUWEDENG-PUWEDE pa siyang umalis ng bansa anumang oras. O gawin ang anumang magustuhan niya.

Lalo pa at mabibilang na sa daliri ang mga natitira niyang kakampi sa Senado at House of Representatives.

Tandaan natin, mga kababayan, WALANG KATAPAT NA HALAGA ANG KATARUNGANG DAPAT MAKAMTAN ng mga biktiima ng Dengvaxia at ng mga naulila ng SAF 44.
                                              ***
May bago din po tayong FB page, FREE-FOR-ALL.Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at enter. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30    




  



No comments:

Post a Comment