Thursday, May 9, 2019

BONG BANAL, LUMABAS KA’T MAGPA-VOICE TEST

Image result for images for bikoy
Kay Bong Banal, LUMABAS KA AT MAGPA-VOICE TEST kung talagang hindi iyo ang boses sa ‘Bikoy’ videos.

Kahit indirectly MAY MOTIVE na puwedeng ikabit sa iyo dahil KAPATID KA DIUMANO ni Congressman Bolet Banal, na kilalang malapit kay Leni Robredo na kritiko ni Pangulong Digong Duterte.

Sa bigat ng isyu na naiuugnay sa iyo, WALANG DAHILAN PARA HINDI MO AGAD PATUNAYAN na hindi sa iyo ang boses sa ‘Bikoy’ video  kung tunay kang inosente.  Pero bukod sa ayaw mong lumantad, ni press conference o detalyadong press statement ay wala ka.

At kataka-takang ni walang  nababalitang taga-national o mainstream media na nagtangka man lamang na hingan ka ng paliwanag o ma-interview ka.

Wala kang dapat ikatakot, Bong, kung tunay na malinis ka. Kaya lumantad ka at nang magkaalaman na agad.

Kung hindi ka lalabas, Bong, lalong HUWAG MO MAN LANG PANGARAPIN na mapapaniwala moa ng sambayanan na inosente ka kung mananahimik ka lang. HINDI GAGO ANG SAMBAYANAN.
                                                    ***
May bago din po tayong FB page, FREE-FOR-ALL.Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at enter. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30




No comments:

Post a Comment