Tatlong araw na ang nakalipas mula nang
sampahan ng kasong DOUBLE MURDER ang 23 pulis na dawit sa pagpatay kay Richard ‘Red’
Santillan, ang personal aide ni Glenn Chong, noong nakaraang December. Pero HANGGANG
NGAYON, NI ISANG SALITA WALANG LUMALABAS sa mainstream o national media.
MAY NANGINGINIG NA SA TAKOT kay Glenn!
Nangunguna sa mga akusado ang ISANG GENERAL,
si Region 4-A police director Edward Carranza. At hindi lang isa o dalawa kundi
23 ang idinemanda. Kapag ganitong klaseng istorya, LABAS AGAD-AGAD ito sa
national media. Kung wala din lang makakasabay na mas malaking pangyayari ay
pang-front page headline ito sa mga dyaryo o lead story sa TV at radyo.
I can say this because I was a former senior
editor of a nationally-circulated newspaper.
WALANG TIGIL, as in WALA, ang NEWS BLACKOUT
sa pagpatay kay Red. Kung tama ako ay mahigit dalawang buwan na mula nang may
lumabas na balita tungkol sa kaso.
Kaya HUWAG NA HUWAG NATING KALIMUTAN ang
pagpatay kay Red, mga kababayan. DOBLE KADEMONYUHAN ang nasa likod ng mga
nangyayaring ito.
Una: Tiyak na HINDI LIBRE ang news blackout
na ito. SUPER LAKING PERA ang patuloy na nagpapaandar nito. At walang
estupidong tao na gagastos ng perang kinita sa malinis na paraan para sa
ganitong IMORAL na pakay.
Pangalawa: Hindi PILIT NA IBABAON SA LIMOT
ang pagpatay kay Red nang walang dahilan. Ang posibleng rason lamang ay MAS
MALAKING KAHAYUPAN, kundi man sa HINAHARAP ay dahil may MALALAKING TAONG
SASABIT.
Kaya kahit talo si Glenn sa eleksyion, mga
kababayan, WALANG BIBITIW! May video siya tungkol sa pagsampa ng double murder
charges sa page niya.
***
May bago din
po tayong FB page, FREE-FOR-ALL.Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at
enter. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click
ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po
lagi sa tiwala. God Bless us all. 30
No comments:
Post a Comment