Thursday, May 30, 2019

DELIKADO NA ANG SMARTMATIC, COMELEC!


Image result for images for duterte

Nasa lahat ng media websites – Inihayag ni Pangulong Digong Duterte na sasabihan niya ang Comelec na DISPATSAHIN NA ANG SMARTMATIC at humanap ng iba na ‘FRAUD FREE’ o walang pandaraya.

DELIKADO na ang dalawa. Mismong Presidente na ang UMAYAW, ANG NAGPAPALAYAS, sa Smartmatic.

Ibig sabihin ay WALANG MAAASAHAN ang Comelec at Smartmatic na anumang klaseng konsiderasyon sa patong patog na akusasyon ng pandaraya sa halalan laban sa naturang kompanya.  Para na ring sinabihan ng Pangulo ang Smartmtic na ‘bahala kayo sa buhay ninyo.’

At ang Comelec na ‘bitiwan na ninyo, ilaglag na ninyo ang Smartmatic.’

Kaya lalong WALA nang anumang DAPAT ALALAHANIN ANG SINUMAN, lalo na si Glenn Chong, na gustong papanagutin ang Smartmatic at ang Comelec sa mga dayaang naganap at napatunayan na sa mga nakaraang eleksiyon.  MANDARAYA at criminal na lamang ang tutulong pa rin sa sa mga ito mula ngayon.

Atty. Glenn, at sa iba pang lumalaban para sa katotohanan, ilabas na ninyo ang lahaty ng ebidensiya ninyo at LUNURIN NA NINYO sa kaso ang Smartmatic at ang Comelec kung kaya.

GOLDEN OPPORTUNITY na ito para simulan nang tapusin ang KAWALANGHIYAAN sa halalan.
                                                     ***
May bago din po tayong FB page, FREE-FOR-ALL.Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at enter. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30    







No comments:

Post a Comment