Thursday, May 23, 2019

PURO KAYO DALDAL LABAN KAY ADVINCULA!


Image result for images for bikoy
Sa mga taga Liberal Party (LP) at mga kakampi nila na idinawit ni Peter Jomel ‘Bikoy’ Advincula, huwag kayong PURO DALDAL, PURO PORMA na kakasuhan ninyo siya.

Idemanda ninyo agad kung talagang inosente kayo. MAS MAGANDA IYAN PARA SA SAMBAYANAN! Dahil magkakaalaman kung sino o sino-sino ang SINUNGALING AT HINDI!   
Kapag idinemanda ninyo si Advincula, mapipilitan na siya na maglabas ng anumang ebidensiya na hawak niya para patunayan ang mga akusasyon niya laban sa inyo. Mapipilitan din kayo na maglabas ng ebidensiya para kontrahin ang anumang ilalabas niya. Kapag nangyari na iyon, pati kaming sambayanan ay magkakaroon na ng pagkakataon para mapagaralan at/o makita kung sino ang nagsasabi sa inyo ng totoo at hindi.

Kaya tama na ang daldal. Kung talagang inosente kayo, kahit bukas puwede na ninyong idemanda iyan ng grave slander o oral defamation. At walang dahilan para pagtagalin pa ninyo.

Kung ayaw ninyo, huwag kayong mangarap man lamang na mapapaniwala ninyo ang sambayanan na inosente kayo kahit sa SALITA NINYO LAMANG.
                                                     ***
May bago din po tayong FB page, FREE-FOR-ALL.Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at enter. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30    

No comments:

Post a Comment