Monday, May 6, 2019

ANG MANIWALA KAY ‘BIKOY,’ SAKSAKAN NG TANGA!


Malinaw na ngayon pa lang: Ang maniwala kay ‘Bikoy,’ SAKSAKAN NG TANGA! Kundiman, BAYARAN. O pareho.

Una: Kaya daw siya lumantad ay dahil may banta sa kaniyang buhay. Pero HINDI NIYA PINANGALANAN ang mga nagbabanta kuno at WALA siyang binigay na detalye, tulad ng kalian at paano siya binantaan. Sa halip, pinagdiinan niya iyong pagiging sangkot kuno nina Paolo Duterte at Bong Go sa isang sindikato ng droga. IBA IYONG BINIGAY NA DAHILAN SA PAGLANTAD, AT IBA NAMAN IYONG BINANATAN NANG LUMANTAD. IHO DE PUTA. Kundi ba naman sampu’t kalahating bobo ang scriptwriter nito.

Para sa mga hindi pa nakakabasa, nasa balita ngayon ang MULING PAGPAPAKITA ni Bong Go ng kaniyang MALINIS NA LIKOD PARA PASINUNGALINGAN ang pinagpipilitan ni ‘Bikoy’ na may tattoo siya sa likod na simbolo ng pagiging miyembro niya ng drug syndicate.

Pangalawa: Sinabi ni ‘Bikoy’ na siya daw ang nangasiwa sa pagproseso ng payola KUNO ng drug syndicate para kina Bong at Paolo. Pero maliban sa isang babaeng sinabi niyang nag-assign KUNO sa kaniya sa sindikato, WALANG ANUMANG DETALYENG BINIGAY si ‘Bikoy’ tungkol dito tulad ng SINO-SINO ANG MGA BOSS at gaano ito kalaki at kalawak. Alam niya dapat ang mga ito kung payola ang pinoproseso niya talaga. TANGING SINA BONG AT PAOLO ang paulit-ulit niyang tinira. Kaya kung hindi BAYARAN NA PAKAWALANG TIRADOR lamang itong ‘Bikoy’ ng mga anti-Duterte, MAY DRUG SYNDICATE NA PINOPROTEKTAHAN ITO sa pamamagitan ng paglihis ng atensyon ng publiko at mga awtoridad.

Pangatlo: ESTUPIDO O BALIW lamang ang sinumang miyembro ng drug syndicate na maglalagay ng anumang ebidensiya sa katawan mismo na maaaring ikabisto niya. Pangapat: Sabi ni ‘Bikoy’ ipinasok siya sa sindikato noong 2010. Taong 2012 ay nahatulan siyang mabilanggo dahil sa estafa pero nakalaya siya noong 2016 at umiba na ng hanapbuhay.

May kinonsulta akong dating police general. At ayon sa kaniya:

“Kapag naging miyembro ka ng sindikato ng droga, habambuhay ka na doon. Makakalabas ka lamang kapag bangkay ka na. Ang sinumang posibleng magbulgar sa sindikato, sa anupamang dahilan, ay agad na pinapatay bago pa man makapagsimula. Kaya’t kalokohan na hindi tinulungan iyang ‘Bikoy’ na iyan sa estafa case niya nung sindikatong sinasabi niya. At imposibleng hindi siya pinatay noon pa, lalo na nung nakalaya siya at mas madaling likidahin. At hindi nakakasiguro iyong sindikato kuno kung ‘kumanta’ na  siya sa mga awtoridad habang nakakulong siya.”

At idadagdag ko lang: Sinabi ni Rodel Jayme sa media sa NBI ilang araw na ang nakalipas na ayon sa kumontrata sa kaniya para gawin ang kaniyang metrobalita website, lalabas si ‘Bikoy’ bago mageleksiyon. Heto na nga.

Kumontra na ang kahit na sinong gustong kumontra. May iba pang mga butas at tanong akong sinulat sa sinundang blog nito.
                                                    ***
May bago din po tayong FB page, FREE-FOR-ALL.Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at enter. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30

1 comment:

  1. Maliwanag na black propaganda.
    Ang imbistigahan ay kung anung drug cartel cya miyembro. Cno ang mga nasa likod ng mga taong kinabibilangan niya. Kailangan ibulgar niya ang drug cartel na kinabibilangan niya. Patay na malamang ung bikoy sa video at impostor na yan. Ung voice recognition sa 3 video na inilabas dapat pag aralan. Ung hooded bikoy payat mataba cya.

    ReplyDelete