Wednesday, May 22, 2019

‘BIKOY’S’ LATEST REVELATIONS MUST BE SERIOUSLY CONSIDERED!


Image result for images for bikoy
Even though he had lied in his first press conference, the revelations of Peter Joemel ‘Bikoy’ Advincula in his surrender and press conference this morning merits serious consideration and not prejudgment. 


WALANG BINABASA si Advincula habang sinasagot ang mga tanong sa kaniya at binibigay niya ang mga detalye. Noong una siyang lumantad sa Integrated Bar of the Philippines ay nakita nating lahat na may binabasa siya.

Kaniya-kaniyang tanong ang mga reporter. Obvious na WALANG PREPARADONG MGA TANONG kay Advincula.

HINDI HUMINGI ng legal aid o anumang kondisyon si Advincula kay PNP Director-General Oscar Albayalde para hindi siya makulong o mabigyan ng anumang ikakagaan ng sitwasyon niya. Si Albayalde mismo, sinabi na ni hindi pa nila nakukunan ng statement o sinumpaang salaysay si Advincula bagon ang press conference kanina.

I agree 100 percent sa sinabi ni Advincula na WALANG DAHILAN para ituring na paninira lamang kina Antonio Trillanes IV at sa ilang mga kasama nito sa Oposisyon na itinuro niyang mga kasangkot, ang paglantad niya ngayon.

Tulad ng alam na nating lahat, KAHIT ISA AY WALANG NANALO sa Otso Diretso noong eleksiyon. Palabas na si Trillanes bilang senador. Talo si Gary Alejano ng Otso na personal niyang kandidato. At hindi maikakaila ninuman ang galit ng nakararami kay Trillanes na nakikita nating lahat sa social media.

Naglabas ng celfone si Advincula at binasa ang sagot ng tinagurian niyang chief security officer ni Trillanes tungkol sa pakiusap niyang makausap ng derecho ang senador.

HINDI KO SINASABI, AT HINDI KO SASABIHIN KAILANMAN, na totoo na ang mga sinasabi ngayon ni Advincula. Sinulat ko lamang ang mga nangyari sa press conference niya kanina sa Camp Crame.

Magtulung-tulong tayo, mga kababayan, sa paganalyze at pagtuklas ng katotohanan.
                                                ***
May bago din po tayong FB page, FREE-FOR-ALL.Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at enter. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30    




No comments:

Post a Comment