Tuesday, December 25, 2018

PINATAY NA NGA, ININSULTO PA SI RICHARD


Image result for images for rodel batocabe
Kung mapapansin ninyo, tinorture at pinatay na nga ay ININSULTO PA  si Richard Santillan. Gamit ang isa na BRUTAL DING PINATAY ng walang laban, si Congressman Rodel Batocabe.

Agad-agad, MAY p30 milyon na reward para sa impormasyon at ikadarakip ng mga pumatay kay Batocabe.  At may nabasa pa akong baka tumaas pa ito dahil magbbigay din daw ang mga kapuwa congressman ng biktima.

Sa kaso ni Richard, WALA KAHIT ISANG SENTIMO para sa impormasyon ng totoong nangyari noong gabing mapatay siya. Kahit na KALIWA’T KANAN na ang mga palatandaan na extra judicial killing (EJK) ang nangyari sa kaniya at HINDI ENGKWENTRO tulad ng sinasabi ng pulisya. Tulad ng pagiging NEGATIBO ni Richard sa powder burns at mahigit 60 at sari-saring sugat na nakita sa autopsiya ng Public Attorney’s Office (PAO).

At higit sa lahat, kung sino-sinong pulitiko na ang nananawagan ng katarungan para kay Batocabe. Pero para kay Richard, kahit isa WALA. Itama agad ako ninuman kung mali ako.

Hindi ako abogado pero sigurado ako na  sa ilalim ng ating batas, PANTAY-PANTAY ang lahat pagdating sa katarungan. Mayaman o mahirap, congressman o hindi.  Pero sa nangyayari sa kaso ni Richard, para na ring sinabihan ang mga mahal niya sa buhay na “Bodyguard lang si Richard. Congressman si Batocabe.”

Kumontra na ang kokontra. Atin ang desisyon, mga kababayan, kung hahayaan pa nating manatili sa puwesto ang mga UMINSULTO, NANG-ISMOL, kay Richard sa eleksiyon sa isang taon.
                                                                 ***
Salamat sa mga patuloy na nagki-click at tumitingin sa mga advertisement sa paligid ng ating blog. Nakakatulong iyon para araw-araw akong makapagpost. God Bless. 30








7 comments:

  1. Pinas walang silbi ang batas,sorry po,,tga pinas ako,,

    ReplyDelete
  2. Ang mga abusadong pulis ay dapat ikulong at mapaalis sa pwesto ganun din sa mga abusadong opisyal government

    ReplyDelete
  3. So true!It is really unfair for Richard,everyone is quiet...but still,I believe justice will be serve.All the evidence is there...shouting overkill.I will be very happy if those generals and his scalawag policemen will be punish and go down to the bottom.

    ReplyDelete
  4. so unfair!!! dahil ba maraming masasagasaan?
    justice for red santillan !!!

    ReplyDelete
  5. halos lhat ng politiko may pkinabang sa dayaan kaya wlng iimik sa knila...mga animal tlga....justice for red santillan..

    ReplyDelete